Parang eksena sa pelikula...Ricci nahuli ni Andrea na may kasamang ibang babae sa condo: 'Pero hindi po sa 'kin 'yung girl' | Bandera

Parang eksena sa pelikula…Ricci nahuli ni Andrea na may kasamang ibang babae sa condo: ‘Pero hindi po sa ‘kin ‘yung girl’

Ervin Santiago |June 27,2023
facebook
share this

Parang eksena sa pelikula…Ricci nahuli ni Andrea na may kasamang ibang babae sa condo: ‘Pero hindi po sa ‘kin ‘yung girl’

Ervin Santiago - June 27, 2023 - 02:02 PM

Parang eksena sa pelikula...Ricci nahuli ni Andrea na may kasamang ibang babae sa bahay: 'Pero hindi po sa 'kin 'yung girl'

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

“SA AKIN sobrang genuine ng lahat, wala sa isip ko ‘yung mga ganyang bagay kasi minsan lang akong mag-girlfriend.”

Yan ang pagtatanggol ni Ricci Rivero sa kanyang sarili sa gitna ng mga akusasyon na ginamit lang niya si Andrea Brillantes bilang “trophy girlfriend.”

Isa-isang sinagot ng basketball player ang mga isyung ibinabato sa kanya matapos ang controversial breakup nila ni Andrea, kabilang na ang kuwentong nahuli siya ng dalaga na may kasamang ibang babae sa kanyang bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa panayam ni Boy Abunda kay Ricci sa episode ng “Fast Talk” kahapon, tinray naman daw nila ni Andrea na ayusin ang mga problema at i-save ang kanilang relasyon.

“Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema. Personally, hindi naman siya sa may mali kasi ganito or may kasalanan or whatsoever. Siguro doon lang sa the way we are sa isa’t isa,” pahayag ng binata.

“Marami naman siyang puwedeng factors, could be both ‘yung maturity namin pareho, puwedeng ganoon. For whatever reason lang, may inaayos kami na sa’kin normal naman po para sa relationships,” aniya pa.

Paliwanag pa niya, “‘Yung cause ng break up was ‘yung speculations, ‘yung kumakalat sa social media, ‘yung may nakita siyang girl doon sa place ko.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

“Ilang beses naman po naming pinag-usapan ‘to, as in sobrang daming beses na sinabi ko sa kanya with all the evidences I have, kasi may mga conversations, even with my friends na hindi po sa akin ‘yung girl,” paliwanag pa ng cager.

Rebelasyon pa ng binata, “May papunta akong friend ng midnight tapos hindi ko naman alam na may kasama siya tapos ‘yun ‘yung naabutan niya that time.

“Alam ko po na alam niya, na naniniwala siya sa akin kasi even after that, nag-uusap pa rin kami, nagkikita pa rin kami, maayos kami, ‘yung usual us, walang away, walang taasan ng boses, ‘yung maayos na pinag-uusapan namin ‘yung sa amin,” chika pa ng ex ni Andrea.

Samantala, mariin din niyang dinenay na ang beauty queen-politician na si Leren Bautista ang third party sa paghihiwalay nila ni Andrea na nag-ugat sa mga kumalat na litrato nila together sa social media.

“Wala pong kinalaman si Councilor Leren. We met kasi nu’ng outreach na, ‘yun ‘yung May 26, birthday ko po ‘yun na parang outreach kasi ginagawa ko siya every year, ever since naman nung first year college ako ginagawa ko na siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Galing po kasi ako ng province, doon po ako nag-celebrate ng birthday ta’s nung papaluwas po ako rito, may mga common friends kami na ‘yung mga madalas ko pong kasama lately for the past year na sabi ko baka pwedeng makapag-feeding program tayo kasi ginagawa ko ‘to palagi and wala akong magawa ngayon dahil nasa biyahe po ako sa Isabela,” esplika ng aktor.

“‘Yun sa picture naman po, ‘yun na ‘yung late birthday celebration ko with friends. Kasi ito outreach nung birthday ko tapos ‘yung picture na post kaya rin naman po walang ka-deny-deny doon sa picture, but pag-post niya po kasi sobrang daming bash agad and sobrang daming hate messages.

“Siguro ‘yung fear na ma-misinterpret nung tao dahil hindi naman po out ‘yung breakup namin kaya she took the story down,” dagdag ni Ricci.

At sa isyung ginamit lang niya si Andrea, “Marami naman pong offers ‘yung ABS-CBN na sitdown interviews with her, shows with her, and simula po nu’ng naging kami, never po akong nag-yes, lahat po nag-beg off ako, kasi ayoko rin naman pong parang i-connect ‘yung trabaho sa personal relationship ko.”

“Sa akin sobrang genuine ng lahat, wala sa isip ko ‘yung mga ganyang bagay kasi minsan lang akong mag-girlfriend, bakit sa ganyang paraan ko pa naman gagawin, ‘di ba?” sey pa ni Ricci.

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ricci Rivero tinupad ang promise sa UP Ikot Drivers, naibigay na ang P200k ayuda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending