Statement ni Maris Racal nakitaan ng ‘butas’ni Boy Abunda
NAGBIGAY ng pahayag ang TV host-manager na si Boy Abunda sa inilabas na statement ng Kapamilya actres na si Maris Racal kaugnay sa kinakaharap nitong cheating issue kasama ang ka-love team na si Anthony Jennings.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, December 6, may napansin itong butas sa isang bahagi ng pahayag ng aktres.
Ito ay ang pagsasabi ni Maris na hindi niya alam na habang may something sila ay in a relationship pa ito kay Jam Villanueva, ang ex-dyowa ng aktor at ang nag-umpisa ng kontrobersiya matapos maglabas ng screenshots ng usapan ng dalawa.
“Mayro’n kayong exchange ng text messages ni Anthony na ‘delete tayo. Can you delete screenshots and messages?’
Baka Bet Mo: Maris Racal nag-reach out kay Jam Villanueva pero dinedma lang?
“Sagot ni Anthony, ‘alam mo hindi pa naman ako nagde-delete.’ ‘Pero gets mo kung bakit kailangan nating mag-delete?’
“And then there was a line in that conversation that said, ‘someday hindi tayo kinakailangang mag-delete; hindi tayo kinakailangang magtago,’” sey ni Tito Boy na kumukuwestiyon kay Maris.
View this post on Instagram
Aniyac tila hindi tumutugma ang sinabi ni Maris sa kanyang public apology sa inilabas na screenshots ni Jam.
“To say that you didn’t have any knowledge that they’re still together, medyo kino-question ko as an audience, as a commentator,” dagdag pa ni Tito Boy.
Sa kabila nito ay ipinahayag pa rin ng TV host ang paghanga sa tapang ni Maris na humarap sa publiko.
Matatandaang ginulat ng aktres ang lahat matapos ilabas ang kanyang public apology nitong Biyernes, December 6 kung saan inamin na niya ang pagkakamali.
Ilang oras matapos ang kanyang public apologu ay sumunod naman si Anthony na tanging paghingi ng tawad ang sinabi.
“Sa lahat ho ng mga nangyari noong nakaraan araw, sa lahat po ng taong nasaktan ko, especially po si Maris tsaka si Jam,” saad ni Anthony.
Pagpapatuloy pa niya, “Humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae and sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. ‘Yun lamang po, sorry po ulit.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.