Direk Benedict to the rescue kay Maris Racal: ‘She deserves another chance’
“DESERVED mo ‘yan!”
Ilan lamang ‘yan sa mga nabasa naming komento matapos ibunyag at ipaliwanag ni Maris Racal ang lahat ng nangyari sa kanila ni Anthony Jennings matapos ang pasabog na screenshots ni Jam Villanueva.
Ngunit mas marami pa rin kaming nakita na nagsasabing bigyan ng chance si Maris sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya, lalo na ang mga nakatrabaho niya at mas nakakakilala sa kanya bilang tao.
Isa sa nabasa naming magandang post ay kay Direk Benedict Mique na naging direktor ni Maris sa YouTube series na “How To Move on in 30 Days” kasama si Carlo Aquino.
Sadyang pinanood namin ang series na ito dahil talagang aliw na aliw kami kay Maris at hindi ka maiinip kapag kasama siya sa eksena dahil may mga hirit siyang bigla ka na lang tatawa na ewan namin kung nasa script o adlib na lang niya.
Baka Bet Mo: Anthony pinagsabay si Maris at Jam? ‘I asked him so many times!’
In fairness, may chemistry sila ni Carlo, huh at kahit na yata kanino ay pwedeng i-partner si Maris, parang bagay siya sa all ages depende sa materyal, kaya nga bumagay din siya sa ex-boyfriend niyang si Rico Blanco, ‘di ba?
Anyway, narito ang post ni Direk Benedict sa Facebook account niya:
“They are all young and immature and they made mistakes. They also deserve the repercussions of their actions. But in the end they also deserve another chance.
“I’ve worked with Maris and masasabi ko na mabait na bata siya, very professional and a very good actress.
“She deserves what she has now and I hope we all give her a chance to show us more of her talent in the future. And just like each and every one of us she works hard to survive for herself and her family so lets not deprive her of her livelihood and passion.
“Pag nasa baba na ‘yung tao wag mo na sipain at batuhin. Walang masama sa pagiging mabuti.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.