Direk Benedict Mique excited sa pelikulang 'Girlfriend Na Puwede Na', 'Darna' malapit na nga bang matapos? | Bandera

Direk Benedict Mique excited sa pelikulang ‘Girlfriend Na Puwede Na’, ‘Darna’ malapit na nga bang matapos?

Reggee Bonoan |January 06,2023
facebook
share this

Direk Benedict Mique excited sa pelikulang ‘Girlfriend Na Puwede Na’, ‘Darna’ malapit na nga bang matapos?

Reggee Bonoan - January 06, 2023 - 09:14 PM

Direk Benedict Mique excited sa pelikulang 'Girlfriend Na Puwede Na', 'Darna' malapit na nga bang matapos?

KASALUKUYANG nasa Los Angeles California, USA si Direk Benedict Mique at tsinat namin siya kung totoong patapos na ang “Darna” TV series ni Jane De Leon at sinagot niya kami ng hindi niya alam ang eksaktong pagtatapos nito.

Inalam din namin kung may shoot pa siya pagbalik niya ng bansa, “Meron pa sila pero ako hindi na aabot at nasa US pa, Jan 10 pa balik ko.”

Sa tanong kung naka ilang cycle ang “Darna”, ang sagot niya ay “indi ko sure hanggang kelan (ang ere) e, naka-8 cycles yata.”

At saka ibinalita ni direk Bene (tawag sa kanya), “Reg, lalabas ‘yung movie namin nila Kim Molina and Jerald Napoles. Produced by Lonewolf Films, directed by me and written by Noreen Capili and Aya Anunciacion. Baka pwede pabanggit.”

Dagdag pa, “may presscon daw na parating invited ba kayo? Tnx?”

Nang maka-chat namin ang direktor ng pelikula nina Jerald at Kim na “Girlfriend na Puwede Na” ay nabanggit namin na walang imbitasyong nakarating sa amin.

“Nyek sa Jan 10 pa balik ko, balitaan tayo,” mensahe ni direk Benedict.

Sobrang excited ng direktor dahil sa wakas ay ipalalabas na dahil matagal na raw nila itong natapos at ang alam niya ay sa Vivamax ito ipalalabas hindi niya expected na sa mga sinehan pala ito sa Enero 18.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)

“Supposedly Vivamax kami pero ipapalabas theatrical, sana kumita. Tulungan na lang para sa industry at sa atin na din sana kumita nga,” pahayag ni direk Benedict.

Grateful ang direktor sa mga artista niyang sina Jerald at Kim dahil ang huhusay at propesyunal isama pa si Gab Lagman. Ang suwerte nga raw niya at wala siyang nae-engkuwentrong ‘diva’ o ‘pasaway’ tulad ng mga nababalitaan niya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)

 

Sobrang puri rin ng direktor sina Ricky Davao at direk Gina Alajar na naka-work niya para sa isang romcom movie na produced ng NET25.

Ayon pa ay pangarap talaga niyang makagawa ng romcom movie para sa senior citizens na dahil kadalasan nga naman ng napapanood natin ay puro millennials at Gen Z.

Sa kasalukuyan ay hindi pa alam ni direk Benedict kung kailan ang showing ng pelikula nina Ricky at direk Gina produced ng Lonewolf Films at NET25.

Going back to “Girlfriend Na Puwede Na” movie ay masayang ikinuwento ni direk Benedict na positibo ang naririnig niyang feedback sa trailer ng movie nina Kim at Jerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Direk Benedict Mique super excited na sa ‘dream project’ kasama sina Gina Alajar at Ricky Davao para sa ‘senior citizen romcom’

Joshua, Janella walang arte-arte sa ‘laplapan’ scene; Direk Benedict Mique may pa-shoutout sa lahat ng nakikilipad kay Darna

Sey ni Direk Benedict Mique sa mga nangnenega sa ‘Darna’: The team is trying its best to give the viewers a good show

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending