Sey ni Direk Benedict Mique sa mga nangnenega sa ‘Darna’: The team is trying its best to give the viewers a good show
HININGAN namin ng reaksyon ang isa sa direktor ng Darna series na si Benedict Mique na kasalukuyang nasa ibang bansa tungkol sa viral comments ng netizens tungkol sa hindi magandang CG o computer graphics dahil sobrang luma na panahon pa ng 70s o 80s.
Ang binabanggit ng netizens ay ang lumilipad si Darna tapos may malaking ahas si Valentina na nakaabang sa kanya na nagmukhang anime.
Ang ilang komentong nabasa namin ay;
“’Di pa rin talaga kaya ng Pinoy makipagsabayan. ‘Wag na sana i-remake kung ganito rin lang.”
“Kaya ng mga Pinoy, sadyang ganyan lang kaya ng budget, HAHAHAHAHA! Para kang nagpabili ng birthday cake pero bente lang inabot mo, Lemon Square cupcake lang ang mabibili nu’n, HAHAHAHAHA!”
“On top of that, napaka-badly written pa ng Darna na ito. ‘Di consistent ang scale ng power, ‘yung costumes, ‘di rin maganda ang design at pagkagawa. Parang binaboy talaga tulad lang din nu’ng Dyesebel ni Anne Curtis, eh. Ilang years pa naman ang preparation dito.”
“Kaya naman problem is, one-day shoot at edit daw dahil sa audience kineme kaya ganyan ang nagiging quality ng mga epek ng teleserye natin.”
Marami namang nagtanggol din sa sa series ni Jane.
“Pero ibang scenes, maganda naman. Hindi n’yo naa-appreciate ‘pag may maganda. Puro lang hanap mali, haha! Maganda nga CGI ng iba, eh, pero aminado ako, palpak sa part na ‘yan.”
“If you guys know how CGI workers are so underpaid, you’ll know the reason why. Imagine having to animate each day per episode in contrast to series in other countries where they release it weekly. This applies to all CGI workers regardless of kung anumang station.”
“Ikumpara n’yo naman sa mga naunang Darna series, mas katanggap-tanggap naman CGI nito.”
“Kung sana, hindi tinanggalan ng prangkisa, may mas mataas na budget pa sana. Kung may mas mataas na budget, mas maganda pa siguro ang quality ng CGI. Hindi naman ganito kapangit ang CGI nila noong may prangkisa at mas mataas na kita sila, ah.”
Going back to direk Benedict ay tanggap naman nila ang mga komentong ito at aware sila sa resulta ng kanilang programa.
Aniya, “The team takes in consideration both negative and positive feedback. Despite the limitations of producing a show like Darna in a limited market like ours, the team is trying its best to give the viewers a good show.
View this post on Instagram
“It’s also admirable for ABS-CBN to produce a show like this in the midst of all the challenges that the network is facing. In the end, Darna as a show has provided jobs for a lot of people in the industry at the same time quality entertainment for the viewers.
“Maraming lessons na natutunan ang Darna team at makakasiguro ang viewers na magagamit ang mga aral na iyon sa ikagaganda pa ng mga susunod na shows ng ABS tulad ng Darna.
“Nagpapasalamat din ako personally sa mga viewers dahil Darna has been consistently on top in terms of views online which I think is the trend right now because the audience has shifted online. Salamat.”
Oo nga, ang mahalaga ay maraming nabigyan ng trabaho si Darna sa panahon ng pandemya. Kudos to JRB Creative Production.
Related Chika:
Sharon Cuneta tinanggihang bumida sa ‘Darna’ noong 20 years old siya, bakit kaya?
Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?
Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.