Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami! | Bandera

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Ervin Santiago |June 05,2022
facebook
share this

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Ervin Santiago - June 05, 2022 - 07:05 AM

Janella Salvador at Jane d Leon

LOOKING forward na ang Kapamilya actress na si Jane de Leon sa mga buwis-buhay fight scenes nila ni Janella Salvador para sa “Darna.”

In fairness, handang-handa na si Jane sa matitinding action scenes niya sa bagong TV version ng iconic at classic superhero series na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ng ABS-CBN.

Sa isang panayam, puro positibo at magagandang salita ang binitiwan ni Jane patungkol sa mga co-stars niya sa nasabing action-fantasy series ng Kapamilya Network.

“Grabe, like walang toxic or anything. Ewan ko, nakakatuwa lang kasi lahat kami ay okay and solid kami,” sabi ni Jane sa “Inside News” ng Star Magic.

“Like family talaga kami. Like the food, lahat kami tulungan kami. Iba, iba talaga sobra,” dagdag pa ng bagong Darna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


At dito nga niya nabanggit na excited na siya na kinakabahan sa mga gagawin nilang fight scenes ni Janella Salvador na siyang gaganap na Valentina, ang taong-ahas na  mortal na kalaban ni Darna.

“With Valentina, wala pa po kaming fight scenes together but sana this coming lock-in namin ay sana magtunggali, magtuos na po kami,” pahayag ni Jane.

Tungkol naman sa mga challenges na kanyang hinarap sa first cycle ng kanilang lock-in taping at sa mga haharapin pa niyang hamon sa mga susunod nilang pagsabak sa shooting.

“Challenges marami. Mga new stunt. And gumagawa kami ng mga choreo na kahit papaano ay bago naman sa panlasa ng mga tao.

“Kailangan niyo pong panoorin itong teleserye na ito na ‘Darna: The TV Series’ kasi pinahgirapan po ito ng mga tao sa likod ng camera. Marami po kayong kailangang makita at abangan. Kaya Kapamilya stay tuned,” aniya pa.

Nagsimula ang production ng “Darna” last Nov. 15 sa Hollywood-standard sound stages ng ABS-CBN na matatagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Chito S. Roño with Avel Sunpongco. Kasama rin dito sina Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla at Iza Calzado bilang “unang Darna” na gaganap na nanay ni Jane at siyang magpapasa ng mahiwagang bato kay Narda.

Jane de Leon biglang naiyak nang isuot na ang Darna costume: Parang doon lang nag-sink in sa akin na this is it!

Jessy handang-handa nang magbuntis: Gusto talaga ni Luis 2 or 3 kids

‘Derek-Ellen karga challenge’ patok na patok sa socmed; mga magdyowa kumasa sa hamon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending