Maris Racal nag-reach out kay Jam Villanueva pero dinedma lang?

Maris Racal nag-reach out kay Jam Villanueva pero dinedma lang?

Therese Arceo - December 06, 2024 - 03:20 PM

Maris Racal nag-reach out kay Jam Villanueva pero deadma?

INAMIN ng Kapamilya actress na si Maris Racal na sinubukan niyang mag-reach out sa dating karelasyon ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva.

Ngayong araw, December 6, tuluyan na ngang binasag ng aktres ang katahimikan patungkol sa mainit na cheating issue na kinasasangkutan niya.

Amin ni Maris, hindi niya alam na habang nagiging malapit sila ni Anthony sa isa’t-isa ay karelasyon pa rin niya si Jam.

“I didn’t know. I was in the dark. I didn’t know. I had no idea. God knows ilang beses ako nang tanong. Ilang beses ako nang hinihingi ng statement.

Baka Bet Mo: Maris Racal sa pagpatol kay Anthony Jennings: Nagkamali ako and sorry

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I was… Dun ko rin na-realize bakit ganun yung reactions ni Jam. Now I get her. I get her pain. I get her wrath. I get her anger. Kaya pala ganun,” saad ni Maris.

Aniya, parehas silang pinaniwala no Anthony sa mga salitang binitawan nito ngunit ang problema ay magkaiba ang statement nito sa aktres at sa non-showbiz girlfriend.

Pagpapatuloy pa ni Maris, “We both believed kung anong mga nasabi sa’kin. Maybe iba yung sinabi sa kanya. And I can attest that iba yung sinasabi sa’kin. That’s my side of the story.”

Marami pa ngang nais sabihin ang aktres dahil hindi niya ine-expect na hahantong sa ganitong pangyayari ang lahat at mapapahiya siya nang malala sa publiko.

Lahad pa ni Maris, “So, to the public, I’m sorry that you got to see that very intimate side of me. Ganun talaga ako pag nagbigay ng pagmamahal. It was supposed to be private.

It was supposed to be… a private, intimate thing. I’m sad. I’m sad na nakita yun ang tao. And yes, I’m not. I don’t want to play the victim here. Nagkamali din talaga ako.”

Humihingi rin ito ng tawad sa lahat ng mga dapng kanyang nasaktan at inamin rin niyang kinausap niya si Jam ngunit wala itong nakuhang sagot.

” I reached out to Jam last November. I did not get a reply. I think that was last November. Because I wanted to know what’s up. So, I’m sorry,” amin ni Maris.

Higit siyang humihingi ng tawad sa mga taong sumuporta sa kanya mula pa noong magsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Most especially, I’m very sorry. I’m truly sorry to those people who supported me for ten years. Alam nila lahat na ginapang ko yung career ko mapunta lang sa kung saan ko gusto,” sey ni Maris.

Dagdag pa niya, “Ginawa ko lahat. Pinaghirapan ko lahat sa tulong nila, na gagawa ko yung mga gusto ko.”

Sa ngayon ay hindi niya alam kung saan na papunta ang kanyang career dahil sa mga nangyari.

“‘Yung dignidad ko, hindi ko nawala. Whenever I go out, whenever I walk, I feel like I’m a naked woman walking.

Hindi ko alam na yung gagawin ko. I’m so embarrassed. And I’m sorry that you get to see that,” ani Maris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinapangako naman niya na patuloy pa rin siyang magtatrabaho para sa sarili at sa mga naniniwala sa kanya.

“But, I can assure you, tuloy pa rin ako. Tuloy pa rin ang laban.

Magta-trabaho pa rin ako kahit nahirap. Hindi pa rin namamatay yung apoy sa puso ko. I’m still looking for that little girl inside of me.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending