Aljur burado na ang 'breaking silence' post; Kylie magsasalita na! | Bandera

Aljur burado na ang ‘breaking silence’ post; Kylie magsasalita na!

Therese Arceo |October 23,2021
facebook
share this

Aljur burado na ang ‘breaking silence’ post; Kylie magsasalita na!

Therese Arceo - October 23, 2021 - 12:48 PM

Aljur burado na ang 'breaking silence' post; Kylie magsasalita na!

BURADO na ngayon ang viral ‘breaking silence’ post ng aktor na si Aljur Abrenica patungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

Ang naturang post nga ang naging dahilan ng mas lumalang kontrobersya na nagdulot pa ng sanga-sangang isyu na kinasasangkutan na ngayon nina AJ Raval, Alyssa Alvarez, Kylie Padilla, pati na rin ng kolumnistang si Cristy Fermin.

Matapos kasi ang naging “breaking silence” post ni Aljur ay ang pag-share nina AJ Raval at ng ina nitong si Alyssa Alvarez ng nasabing post.

Nagpasalamat pa nga ang ina ni AJ sa paglalabas nito ng katotohanan at sa hindi nito pagpapabaya sa kanila.

Pero nag papasalamat ako kase tinupad mo ang sinabi mong di mo kami pababayaan.. alam ko hindi lang ito para sa amin, pati narin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sayo,” saad ng ina ni AJ.

Ngunit burado na rin ang nasabing post at sa isang TikTok video ay humingi naman ng tawad si AJ at inaming mali ang kanyang ginawang pag-share dahil tila gumatong pa ang nagawa niya sa hidwaan ng mag-asawa.

“I’m really sorry sa lahat ng mga naapektuhan. Sa mga nagalit, I’m really sorry, and also kay Kylie, I’m sorry kung shinare ko ‘yung statement na ‘yun. It’s not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself,” pagpapaliwanag ni AJ.

Matapos rin ng viral post ni Aljur ay ang pagsasalita rin ni Cristy Fermin ukol sa hiwalayan ng dalawa.

Dito nga ay sinabi niya na ayon sa kanyang source ay kahit na noong nagsasama pa sina Aljur at Kylie ay may kausap ng iba ang aktres.

“Kung natatandaan nyo po, mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden. Kahit na madaling araw, oo, may kausap sa phone, bumababa siya.

“Kahit sa kusina, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay,” saad ni Cristy sa kanyang programa.

Kaya naman hindi nakapagpigil ang aktres at tinawag na nito ang pansin ng kolumnista.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako dahil sa mga anak ko.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pagsisira sa ‘kin?

“Grow up! Ang tatanda nyo na. At sana kung sisiraan nyo ako, totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo,” saad ni Kylie na agad na nag-viral ngunit ngayon ay burado na rin.

Rumesbak naman ang kolumnista at kinuwestyon ang aktres kung bakit nito binura agad ang kanyang post at sinabihan siyang walang paninindigan.

Saad pa niiya, bakit raw hindi pa magsalita ang aktres gayong hinahamon na siya ni Aljur.

Dagdag pa ni Cristy, kung siya ang inakusahan ng ganon ng isang lalaki ay talaga namang sasagutin niya ang lahat at dedepensahan niya ang sarili.

Ngunit mukhang kaya nanatiling tahimik ang aktres sapagkat mayroon na siyang exclusive interview kay Jessica Soho na ipapalabas ito sa kanyang programang “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Nag-viral na ang behind the scene photo ng exclusive interview ni Kylie at marami na ang naghihintay sa magiging pahayag ng aktres.

“Ayan na ang hagupit ni Amihan,” saad ng isang netizen na pinatutungkulan ang karakter na ginampanan ni Kylie sa “Encantadia”.

Mukhang mas titindi pa ang kontrobersya ngayong magsasalita na si Kylie. Sino nga kaya sa kanila ang nagsasabi ng totoo at kaninong panig kaya kakampi ang mga netizen? Mare-reveal na nga ba ang tunay na “third party” sa kanilang hiwalayan?

Nawa’y maging maayos na rin ang hidwaan ng dalawa lalo na’t may mga anak sila na maaaring madamay sa kanilang isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:
Cristy Fermin rumesbak kay Kylie: Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka!
Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga?

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending