Mga hugot ni Angelu sa 'pagpapatawad' patama kay Claudine?

Mga hugot ni Angelu tungkol sa pagpapatawad patama kay Claudine?

Ervin Santiago |January 31,2024
facebook
share this

Mga hugot ni Angelu tungkol sa pagpapatawad patama kay Claudine?

Ervin Santiago - January 31, 2024 - 02:55 PM

Mga hugot ni Angelu tungkol sa pagpapatawad patama kay Claudine?

PARA nga kaya kay Claudine Barretto ang mga quote cards na ipinost ni Angelu de Leon sa kanyang social media account?

Feeling kasi ng mga netizens, ito ang resbak ni Angelu sa umano’y pagmamalditang ginawa sa kanya ni Claudine nang dumalo siya sa 20th wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Naganap ito last Saturday, January 27, at saksi kami kung paano binasag ni Claudine si Angelu sa harap mismo ng mga bisita ng celebrity couple kahit pa nga inaawat na siya ni Gladys.

Sa katunayan, maraming guests ang naloka kabilang na ang mga members ng entertainment media sa mga binitiwan niyang salita laban kay Angelu na dumalo rin sa party pero hindi na sila nagpang-abot.

Prangkang sinabi ni Claudine na hindi niya gustong makasama sa reunion project nila nina Gladys at Judy Ann Santos si Angelu habang nakasimangot at halatang imbiyerna.

Simulang sey ni Claudine kay Gladys, “Sana matuloy na, i-manifest na natin ang reunion project natin with Judy Ann Santos.”

Baka Bet Mo: Claudine gigil kay Angelu, bakit ayaw makasama sa pelikula?

“Ayun na nga! Ikaw ba Clau, game ka gumawa ng pelikula with me, si Juday at si Angelu?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Mabilis na sagot ni Claudine, “No, no, no. Ikaw lang, ako at si Juday. Walang Angelu.” Na ikinagulat naman ni Gladys at nagsabing, “Haaa! Talaga ba?”

“Oo. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun,” sagot ni Claudine. At bigla ngang natawa si Gladys, “Seryoso ka ba? Ha-hahaha! Teka lang, ha! Nagulat ako! Ha-hahaha!”

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Tayong tatlo lang ‘yon,” hirit pa ni Claudine sabay sabing hindi siya suplada kundi maldita.

Paliwanag ni Claudine, hindi sila okay ni Angelu dahil noong down na down siya at may issue sa kanilang pamilya nagpa-interview raw ang kapwa aktres at nagbigay umano ng opinion sa kontrobersyal na pag-aaway ng Barretto sisters.

Ani Claudine, wala raw karapatan si Angelu na mag-comment sa isyu at problema ng kanilang pamilya.

Kasunod nga nito, nag-post si Angelu ng quote cards sa kanyang Instagram na may mensaheng, “FORGIVENESS IS GRACE GRANTED BY THE HOLY SPIRIT. THE SPIRIT-FILLED KNOW WHAT IT IS TO FORGIVE FASTER THAN OTHERS CAN APOLOGIZE.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinundan pa ito ng isa pang art card na may nakasulat na, “DO THE NEW YOU.”

“Let us not become weary in doing good,” dagdag pa niya.

Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang diretsahang reaksyon si Angelu sa mga naging pahayag ni Claudine laban sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending