Claudine gigil kay Angelu, ayaw makasama sa pelikula

Claudine gigil kay Angelu, bakit ayaw makasama sa pelikula?

Ervin Santiago |January 29,2024
facebook
share this

Claudine gigil kay Angelu, bakit ayaw makasama sa pelikula?

Ervin Santiago - January 29, 2024 - 02:45 PM

Claudine gigil kay Angelu, ayaw makasama sa movie nila nina Juday at Gladys

Angelu de Leon at Claudine Barretto

MAY issue pala sa pagitan nina Claudine Barretto at Angelu de Leon!? Yan ang nalaman namin sa naging rebelasyon ng estranged wife ni Raymart Santiago.

Naloka ang lahat sa naging pasabog ni Claudine nang magbigay ito ng mensahe para sa 20th wedding anniversary ng mga kaibigan niyang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Kasabay din ng selebrasyon ng celebrity couple ang pagdiriwang sa 18th birthday ng panganay nilang anak na si Christophe.

Baka Bet Mo: Gladys super excited na sa dream project kasama sina Juday, Claudine, Jolina at Angelu: ‘I’m willing to co-produce it if ever’

Isa si Claudine sa mga malalapit na kaibigan nina Gladys at Christopher na dumating sa event na nagbigay nga ng message para sa 20 years nilang pagsasama bilang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelu De Leon Rivera (@angeludeleonrivera)


Sa isang bahagi ng “speech” ni Claudine ay nabanggit nga nito ang tungkol sa plano nila nina Gladys na makagawa ng pelikula.

Sey ni Claudine, “Sana matuloy na, i-manifest na natin ang reunion project natin with Judy Ann Santos.”

Baka Bet Mo: Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore

“Ayun na nga! Ikaw ba Clau, game ka gumawa ng pelikula with me, si Juday at si Angelu?

Mabilis na sagot ni Claudine, “No, no, no. Ikaw lang, ako at si Juday. Walang Angelu.” Na ikinagulat naman ni Gladys at nagsabing, “Haaa! Talaga ba?”

“Oo. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun,” sagot ni Claudine. At bigla ngang natawa si Gladys, “Seryoso ka ba? Ha-hahaha! Teka lang, ha! Nagulat ako! Ha-hahaha!”

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Tayong tatlo lang ‘yon,” hirit pa ni Claudine sabay saying hindi siya suplada kundi maldita.

Pilit nang iniba ni Gladys ang usapan dahil nawiwindang na nga siya sa pinagsasabi ni Claudine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)


Actually, naroon din sa event si Angelu kasama ang kanyang asawa pero nakaalis na ito nang dumating si Claudine kaya hindi sila nagpang-abot.

Naloka naman ang mga guest sa party nina Gladys at Christopher sa naging rebelasyon ni Claudine tungkol kay Angelu. May nagkomento na sana’y hindi na lang nagbitiw ng mga ganu’ng salita sa event ng mga kaibigan niya.

Paliwanag naman ni Claudine, hindi sila okay ni Angelu dahil noong down na down siya at may issue sa kanilang pamilya nagpa-interview raw ang kapwa aktres at nagbigay umano ng opinion sa kontrobersyal na pag-aaway ng Barretto sisters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Claudine, wala raw karapatan si Angelu na mag-comment sa isyu at problema ng kanilang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending