Baron ikinumpara sa ABS-CBN ang pagiging tatay

Baron ikinumpara sa ABS-CBN ang pagiging ama: Very sweet, kalmado ako

Ervin Santiago |March 18,2024
facebook
share this

Baron ikinumpara sa ABS-CBN ang pagiging ama: Very sweet, kalmado ako

Ervin Santiago - March 18, 2024 - 07:49 AM

Baron ikinumpara sa ABS-CBN ang pagiging ama: Very sweet, kalmado ako

Baron Geisler at Jamie Evangelista kasama ang mga anak

INIHALINTULAD ng premyadong aktor na si Baron Geisler ang kanyang pagiging tatay sa matagal nang ipinaglalabang tagline ng ABS-CBN.

Inamin ni Baron na hindi siya perfect na ama, pero ginagawa niya ang lahat para maiparamdam sa mga anak ang kanyang pagmamahal at mabigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Baron na mapapanood sa kanyang YouTube vlog, naglabas siya ng saloobin sa pagiging tatay kina Talitha Cumi, Joaquin at Javi.

Baka Bet Mo: Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

“Very loving and sweet” kung ilarawan ng aktor ang kanyang pagiging padre de pamilya lalo na sa anak niyang babae, “With my boys naman, I’m very sweet din and kalmado ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“When I correct them, malumanay ako, e. Saka hindi ako masyadong matigas. Hindi ko sinasabayan (ng galit). At mahilig din ako magyakap ng anak,” sabi ni Baron.

Patungkol naman sa pagpapalaki at paggabay niya sa panganay niyang lalaki na si Joaquin, “I would say ‘good job,’ but I would rather converse with them.

“Yung 18-year-old namin, who is studying in Cebu Doctors’ (University), I have a good relationship with him and kiss him sa cheek. And a hug is good enough, it means a lot,” sabi ng lead star sa upcoming Viva Films movie na “Dearly Beloved” opposite Cristine Reyes.

Pagbabahagi naman ni Baron tungkol sa relationship niya kay Javi, “Du’n sa 10-year-old, nag-a-I love you ako, and he says ‘I love you too, daddy.'”

“My wife and I make it a point na whenever we’re in Cebu, we need to go out and bond with the family kahit sa swimming pool,” dugtong pa niya.

Pag-amin pa ni Baron, “Being a father is not easy. Happy-go-lucky ako before. Now, para akong ABS-CBN, in the service not of the Filipino, but of my family, for my family.”

Bukod kina Talitha, Joaquin at Javi, may isa pang anak na babae si Baron na dumating sa buhay niya noong bata-bata pa siya, “I have someone out there. I have a kid out there, another one.

Baka Bet Mo: Baron Geisler hindi totoong tinanggal sa ‘Senior High’, ayon sa talent manager

“But for now, I hope someday when things are okay, we’ll get to talk with her here, katabi ko na siya dito… ‘Hi, anak! Kumusta?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Happy ako na lumaki siyang hindi niya naranasan yung kapangitan ng ugali ko, kabulastugan ko,” ang sey pa ng aktor.

“Pero lonely and sad kasi I didn’t get to hug her or see her grow up, or talk to her, or play with her. Pero, you know I always believe in ‘Everything happens for a reason.'”

Nag-meet na rin daw sila ng kanyang anak, “Magka-message kami, umiyak ako kasi nu’ng 2016 and 2017 nu’ng namatay yung mommy ko, mag-isa na lang ako nu’n pero before my mom passed away, tumitingin ako sa IG (Instagram), yung anak ko, ‘Kumusta ka?’

“Hindi ko lang masabi na, ‘Ako yung tatay mo,’ pero lagi akong nakaabang, tapos umiiyak ako. Kaya naka-relate ako kay Rustin du’n sa Doll House. Du’n ako humugot.

“Kasi ang huling beses ko siya nakita, five or six years old siya. Then, biglang dalaga na siya. Natuwa ako, naiyak ako nu’ng nag-reach out siya sa akin pero hindi ko pinakitang umiyak ako,” rebelasyon pa ni Baron.

Patuloy pa niyang kuwento, “Parang nonchalant kasi kinakausap ako ng wife ko na, ‘O, wag kang creepy, ha? Relax ka lang, cool ka lang.’

“Tinanong ko kasi siya, yung message nang message din? Niligawan ko, ganu’n. Slowly, slowly. Hangga’t sa nagkaroon na, na-develop na yung trust, du’n na ako humirit na, ‘Can I meet you? Where can I visit you?’

“‘Come to the house, I’ll prepare a lunch for you.’ Nagdala ako ng cake, bumili ako ng kumpletong set ng birth stone niya, pumunta kami, kahit mahal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko kay Jamie, ‘Dami ko nang utang sa anak ko. Sige na, ito lang.’ Magandang set siya na parang puwede siyang heirloom in the future,” pagbabahagi pa ni Baron Geisler.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending