Netizens naloka sa P47k grocery ni Ruffa Gutierrez: ‘Sana all ‘di na kailangan tipirin ang P1k!’
MARAMING netizens ang nabigla sa mga pinamili ng dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez.
Paano ba naman kasi, marami ang tila sinampal ng kahirapan matapos ibunyag ni Ruffa ang halaga ng kanyang grocery.
‘Yan ay nagkakahalagang P47,000!
Sa Instagram post ni Ruffa, makikita ang ilang pictures na kasama niyang namili ang panganay na anak na si Lorin.
Agaw-atensyon din ang huling picture na ipinapakita ang presyo sa isang monitor.
Caption pa ng aktres sa post, “Bought everything from organic food to snacks, fresh produce, home decors and appliances. My weekend is complete! [emojis]”
Baka Bet Mo: Ruffa super work na sa edad 13 kaya never umasa sa lalaki: ‘I can buy naman my own flowers and jewelry’
View this post on Instagram
Maraming netizens ang nabigla at naloka sa daming binili ng mag-ina.
Dahil diyan, karamihan sa mga nag-comment ay napa-sana all.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Sana all kaya mag grocery ng ganyan ang amount [smiling face with heart eyes emoji] Sana ako din ‘di na kailangan tipirin ang 1k hahaha [laughing emoji].”
“Wow love the outfit! Lakas maka-fresh! Pero yung total amount talaga na 47k plus eh, feel so poor tuloy. Haha charot! So inspiring.”
“Wow sosyal nag groceries sila todo na to. SANA ALL 47kyaw [laughing emojis].”
Kamakailan lang ay marami ang humanga sa pagpupursige sa pag-aaral ni Ruffa.
Dahil bukod sa pagiging busy sa kanyang showbiz career ay ibinalita niya na kinuha na niya ang master’s degree in communication sa Philippine Women’s University.
Paulit-ulit na binabanggit ng aktres sa mga past interview sa kanya ng press na ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ang talagang nangumbinsi sa kanya na tapusin ang pag-aaral.
Related Chika:
Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.