Nora Aunor nag-celebrate ng kaarawan kasama ang mga Aetas, namahagi ng grocery items, pagkain at pera
SA Sunday, May 21, ang birthday ng tinaguriang Superstar at National Artist na si Nora Aunor pero may nauna na siyang celebration nang bisitahin niya ang mga Aetas sa Sapang Uwak, Porac Pampanga para ibahagi ang kanyang blessings.
Sa nasabing outreach program ay namahagi si Ate Guy ng grocery items, money and food to the Aetas. Ito ay isa lamang sa mga outreach programs na ginawa ni Ate guy at gagawin pa sa tulong ng mga Noranian at ng kanyang matalik na kaibigang si John Rendez.
Actually, bukas, May 20, ay may isang big birthday celebration ang Superstar sa Seda Vertis North na ang theme ay 70s to mark her 70th birthday. Kabilang kami sa iilan na naimbitahan as we are truly a Noranian at heart.
Sa isang report naman ng showbiz veteran writer na Boy Villasanta, bibigyan ng honor si Nora ng Cultural Center of the Philippines (CCP) via special screening ng kanyang movie na “Bulaklak ng City Jail” sa GSIS Theater in Pasay sa darating na May 23. Ang naturang 1984 classic film ay isinulat ni Lualhati Bautista at ito ay mula sa direksyon ni Mario O’Hara.
Baka Bet Mo: Nora Aunor nagpunta sa tribute para sa mga National Artists kahit may sakit
Sa kanyang report, sinabi ni Boy na ayon kay Glaiza Lee, isa sa mga publicists ng CCP Corporate Communications, dadalo si Ate Guy sa naturang event.
“La Aunor will speak about the importance of the showing of her film as part of the CCP series on ‘Movie Icons’,” sey ni Villasanta.
“To coincide with the film viewing is the Superstar’s celebrating her birthday during the symposium,” dagdag pa nito.
Actually, sa hanay ng mga artista ngayon, walang makakapagdenay na si Ate Guy ang most important artist of all generation. She is a gem of an actress and it is just but fitting that she is given the utmost respect she do deserved.
Happy birthday Ate Guy!!!
Related Chika:
Matet de Leon, Nora Aunor nagkabati sa birthday party ni John Rendez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.