Banat ni Kylie Verzosa sa basher na nakialam sa kanyang OOTD: 'Dapat iba na rin IG ng mga matatanda!' | Bandera

Banat ni Kylie Verzosa sa basher na nakialam sa kanyang OOTD: ‘Dapat iba na rin IG ng mga matatanda!’

Ervin Santiago |February 01,2023
facebook
share this

Banat ni Kylie Verzosa sa basher na nakialam sa kanyang OOTD: ‘Dapat iba na rin IG ng mga matatanda!’

Ervin Santiago - February 01, 2023 - 07:57 AM

Banat ni Kylie Verzosa sa basher na nakialam sa kanyang OOTD: 'Dapat iba na rin IG ng mga matatanda!'

Kylie Versos

SINUPALPAL ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa ang isang “matandang” netizen matapos nitong punahin ang kanyang OOTD.

Hindi pinalampas ng dalaga ang pakialamerang basher na nag-suggest pa kung ano ang dapat nitong isuot para magmukhang balot na balot ang kanyang katawan.

Kung hindi kami nagkakamali, after ng pagbabakasyon ni Kylie sa isla ng Boracay ay dumiretso agad sa France ang beauty queen para sa ilang fashion projects.

Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng litrato suot ang kanyang coat. Halatang patung-patong na layer na ng damit ang kanyang OOTD pero sinita pa rin siya ng isang netizen. Feeling namin ay ang mga sexy photos ng dalaga ang tinutukoy ng netizen.

“Try mo mag Abaya! Ung Black outfit sa Saudi Arabia para naman mysterious ang dating! Kita na naming lahat eh,” ang pang-ookray ng netizen kay Kylie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Pagkabasa ng nasabing comment, hindi nag-atubiling sumagot ng dalaga sa naturang hater. Bwelta sa kanya ng dalaga, “Mommy try mo only fans baka mas exciting for you.”

Bukod dito, may nakita rin kaming isang reposted na Instagram story ni Kylie na may kaugnayan pa rin sa naging comment ng netizen.

“ABANGAN NATIN ONLYFANS NI MOMMY CAROLINE! Hahahahaha! Ang funny pls. Dapat iba nadin IG ng mga matatanda!!!” ang mababasa sa post ni Kylie.

Marami naman ang pumuri sa mga OOTD ng beauty queen sa France

Sa ilang social media post, makikita ang pagbibilad ni Kylie ng kanyang bikini bod na kuha sa iba’t ibang lugar. Nakagawa rin siya ng ilang sexy movies sa Viva Films at Vivamax.

Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Pacquiao sa mahigit P2-M OOTD ni Jinkee: Mukhang mamahalin lang ang asawa ko, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Celeste Cortesi agaw-eksena sa gold OOTD sa Miss Universe gala dinner: ‘Angelina Jolie ang peg! Bongga!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending