Gladys grabe kay Maris Racal: Sobrang promising ng bata

Gladys grabe kay Maris Racal: Sobrang promising ng bata…marespeto siya

Ervin Santiago - January 17, 2024 - 12:40 AM

Gladys grabe kay Maris Racal: Sobrang promising ng bata...marespeto siya

Maris Racal at Gladys Reyes

NAGPASALAMAT ang mga tagasuporta ni Maris Racal sa isa sa mga tinaguriang La Primera Contravida na si Gladys Reyes.

Grabe rin naman kasi ang mga papuring ibinigay ng award-winning Kapuso actress kay Maris kaya naman tuwang-tuwa ang fans ng Kapamilya young actress.

Siguradong nasa cloud 9 ngayon ang “Can’t Buy Me Love” star matapos marinig at mapanood ang bonggang interview ng Diamond Star kay Gladys na mapapanood sa YouTube channel nito.

Sa naturang vlog ni Maria, nabanggit nga ni Gladys na isa si Maris sa mga masasabi niyang “promising” na young artist ngayon sa showbiz.

Baka Bet Mo: Ian Veneracion sa isyu ng pambababae: There’s nothing cool about that

Nakatrabaho ni Gladys si Maris sa pelikulang “Here Comes The Groom” na naging entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.

“First time ko to work with sa ‘Here Comes The Groom’ si Maris Racal. Si Maris po is one of the promising and talented actors that we have now. At saka musikera rin ‘yung bata,” pahayag ni Gladys.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa ng beteranang kontrabida at TV host, “And, nakita ko rin ‘yung kagustuhan niya rin doon sa ginagawa niya.

“‘Yung respeto niya sa katrabaho, ‘yung dedicaton ng bata,” lahad pa niya sa panayam ng nag-iisang Diamond Star.

Baka Bet Mo: Cherie Gil nagpakalbo, iniwan ang Pinas para manirahan sa US: I sold everything and packed up

Nauna rito, mas naging maingay pa ang pangalan ni Maris dahil palaging trending at viral ang mga eksena niya sa hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love” kasama ang ka-partner niyang si Anthony Jennings.

In fairness, nakikipagsabayan talaga sila ni Anthony sa “Can’t Buy Me Love” lead stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Super happy and very proud nga si Donny kina Maris at Anthony na gumaganap sa naturang teleserye bilang sina Irene at Snoop.

In fairness, unexpected talaga ang pag-iingay ng tandem nina Maris at Anthony sa “Can’t Buy Me Love” na lagi ring trending ang mga eksena sa social media lalo na ang mga batuhan nila ng punchlines.

“I love them. That’s all I’m gonna say. Mga kapatid ko ‘yan. I think, ‘Can’t Buy Me Love’ is ‘Can’t Buy Me Love’ because of everyone there. So, I can’t wait for more of their scenes.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta si Anthonny very game lang siya, and sabi ko naman sa kanya na simula pa lang to at mas marami ka pang mapapakita sa mga tao, simula pa lang to,” dagdag pa ni Donny na bibida sa upcoming movie na “Good Game” o “GG”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending