Maris sa couple shoes nila ni Anthony: Matagal na akong may ganu’ng sapatos!
MAKALIPAS ang mahigit isang buwan, nagsalita na ang Kapamilya actress na si Maris Racal patungkol sa viral couple shoes umano nila ng on-screen partner na si Anthony Jennings.
Muli itong naungkat nang tanungin ng entertainment reporter na si MJ Marfori sa isang event.
“Actually, nagkataon lang talaga na same kami ng shoes,” paglilinaw ni Maris.
Chika pa niya, “Natawa na nga lang ako sa nangyari kasi nagkataon lang talaga na ganun ‘yung sapatos namin. Matagal na akong may ganung sapatos, like, three years ago na or two.”
“So yeah, nagkasabay lang talaga,” giit pa ng young actress.
Baka Bet Mo: Anthony Jennings hiwalay na raw sa non-showbiz GF; ipinalit si Maris?
Magugunita noong Setyembre nang kumalat sa social media ang litrato ng love team na nakaupo sa hagdan at kausap si Richard Gutierrez, habang si Barbie Imperial naman ay nagpa-picture sa kababayang nasa Italy.
Agaw-pansin sa marami ang sapatos nina Maris at Anthony na parehong black and white na Adidas Samba.
Nagkomento pa nga sa viral post ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza na ang sabi ay, “Nice shoes.”
Sumunod niyan sa parehong buwan, naging usap-usapan ulit sina Maris at Anthony dahil pareho na silang “single.”
Ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz, nakatanggap sila ng mga impormasyon na naghiwalay na ang aktor at ang non-showbiz girlfriend nito na si Jam Villanueva.
Wala pang kumpirmasyon until now mula sa aktor, pero nag-viral kamakailan lang ang mga parinig umano ng girlfriend ni Anthony sa TikTok at iba pang sites.
Ni-repost kasi ni Jam ‘yung mga quotes na nararamdaman ng isang babaeng nagmamahal pero niloloko.
May bahagi pa nga sa shinare niya na ang sabi ay, “Finding out what they did behind my back.
“I will never forget your conversation with the girl you told me not to worry about.
“The audacity to act like nothing happened. As if they didn’t disrespect and hurt people, ruin someone’s mental health and cause trauma.
“I just realized how kind I was to the people who hurt me. Seeing how I still tried to understand their point of view, why they did what they did, and how I still chose to forgive them, even invalidating my own feelings tbh, it made me a lil sad.
“It sucks being a kind hearted person and always being taken advantage of.
“Me looking at the person I never thought would hurt me so much.
“People with a good heart will never win.”
Marami tuloy ang nag-aabang na Marites kung totoo bang nag-break na si Anthony at Jam, at kung may “something” ba sa pagitan ng aktor at ni Maris.
Bukas ang BANDERA sa pahayag ng tatlo patungkol sa pinag-uusapang isyu na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.