Kitty Duterte umalma sa pag-aresto kay Digong: Illegal detention!

Kitty Duterte umalma sa pag-aresto kay Digong: Illegal detention, no warrant!

Ervin Santiago - March 11, 2025 - 03:14 PM

Kitty Duterte umalma sa pag-aresto kay Digong: Illegal detention, no warrant!

Kitty Duterte at Rodrigo Duterte

MATAPANG na inakusahan ni Kitty Duterte ang mga otoridad ng “illegal detention” matapos arestuhin ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama ng ex-Presidential Daughter ang former President na umuwi ng Pilipinas matapos manatili sa Hong Kong ng ilang araw para sa isang event doon ng Filipino community.

Pagdating na pagdating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ay inaresto na si Duterte ng mga operatiba ng Philippine National Police at Criminal Investigation and Detection Group.

Sa official statement ng Presidential Communications Office, pagdating ni Duterte sa Maynila, inihain ng isang prosecutor general mula sa International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest kaugnay ng ipinatupad niyang drug war sa kanyang administrasyon.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, ipinost ni Kitty ang litrato ng kanyang ama na may caption na “ILLEGAL DETENTION. NO WARRANT OF ARREST.”


Bago ang pag-aresto sa dating pangulo ay kinumpirma na ng PCO na natanggap na ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte.

Narito naman ang reaksyon ng mga netizens sa official Facebook page ng BANDERA.

“Pinagpapatay Lang nito Yung maliit, pero NI isang druglord walang hinuli, Kasi kasama xa protector.”

“Panung magiging illegal yan ang kaso ng ama mo nai file yan sa haig icc 8 years ago pa si trillanes ang may akda nya kaya valid lahat ng isinampa nya.”

“Tuwang tuwa na naman mga adik at druglords nito.”

“KY duterte wlng gutom, wlang rape n n blita mga Bata safe ngayun KY bbm mga Bata ang bktima c bbm wlang nggwa.”

“Nakakapagtaka naman ang ganyan, bakit kailngan arestuhin SI Duterte, bakit ung ngyayari ngayon na halos lantaran na Pag gamit ng droga bakit hindi aksyunan, at maraming Pilipino naman ang mas ginusto ang pamamalakad ni Duterte hindi man napigil ng sobra ang drugs nagkaroon ng takot at pangigilag ang user at pusher.”

“Unti unti na bumabalik ang bulok na sistema,najan nnman ang tanim bala,ano p kaya susunod na mangyayari.”

“Tatay mo ex president maimpluyensya hinde pwede basta bastahin ang pag aresto bebe.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ninyo lagi kayo lamang kht mali kht labag sinusuway ninyo talagang maisug nga nag pakilala na kayo Ang hari ng labag sa batas sa ibang bansa kayo tumira na mga Duterte umuwi kayo sa china ung ang sundin ninyong batas kc pro china kayo hnd kayo kumikilala ng batas ng pilipinas.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending