Regine Velasquez ibinaba sa poster, mga fans nagwala: Bastos!

Regine Velasquez ibinaba sa poster, mga fans nagwala: Mga bastos!

Therese Arceo - November 22, 2024 - 09:42 AM

Regine Velasquez ibinaba sa poster, mga fans nagwala: Mga bastos!

HINDI napigilan ng mga tagasuporta ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang mag-react sa poster na inilabas para sa MYX Music Awards 2024.

Paano ba naman kasi ay mas malaki pa ang larawan ng ibang mga artista na nagsisimula pa lang sa industriya kesa sa singer-actress na matagal na sa industriya at marami nang napatunayan.

Sa naturang poster kasi ay mas malaki pa ang larawan ng members ng BINI na sina Jhoana at Maloi, at “Pinoy Big Brother” big winners na sina James Reid st Fyang Smith kaysa kay Regine.

Kahilera ng Asia’s Songbird sa baba ng apat sina Elijah Canlas, Gloc 9, Chloe San Jose, Alexa Ilacad, at KD Estrada.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez sa nagpakalat ng fake news: Maghintay ka d’yan, ha! Maghintay ka!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Makikitang nasa huli ang pangalan at larawan ni Regine kaya naman hindi ito pinalagpas ng kanyang mga fans.

Agad na naglabas ang mga solid supporters ng singer-actress sa X (dating Twitter).

“Yung Asia’s Songbird na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas at isa sa nakipaglaban para sa network noong kasagsagan ng pandemya at shutdown nilagay lang sa ibaba samantalang yung isa na sumang-ayon pa sa pagpapasara ng ABSCBN nilagay sa taas. ANG TANGA LANG!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Myx is all about music and OPM tapos yung nasa taas is wala naman naambag sa OPM?! Grabe ang pangbabastos sa isang REGINE VELASQUEZ and GLOC-9!!!”

“Kahit hindi Regine fan or yung mga casuals, nabastusan din talaga sa ginawa na’to ng @myxglobal sa THE Regine Velasquez. Recipient ng MYX Magna Award si Regine, tapos babastusin lng ng ganyan. Wala akong pakialam kung binura nyo na yung photo. BASTOS kayo, Myx! BASTOS KAYO!” sey pa ng isa.

Matapos ang pambabatikos ay humingi naman ng tawad ang digital team ng ABS-CBN sa nangyari na ibinahagi niya sa kanyang Instagram post.

“Dear Ms. Regine, We would like to sincerely apologize the oversight in the promo material we released yesterday.

“We have deep respect and admiration for your craft and remarkable contribution you have given the music industry.

“We will strive to do better moving forward.

“Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sincerely. ABS-CBN Digital Team”

Tila wala lang naman ang nangyari kay Regine.

“Oh thank you very much didn’t have to but I appreciate it [smile emoji] #kalma [laughing in tears emoji],” sey pa ng Asia’s Songbird.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending