Ai Ai bumuwelta kay Chloe, kinampihan ni Darryl: Di ka niya kaya

Ai Ai bumuwelta kay Chloe, kinampihan ni Darryl: Di ka niya kaya pati anak ko

Ervin Santiago - November 22, 2024 - 01:35 PM

Ai Ai bumuwelta kay Chloe, kinampihan ni Darryl: Di ka niya kaya pati anak ko

SIMPLE pero tagos na tagos ang hirit ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa patutsada sa kanya ng controversial content creator na si Chloe San Jose.

Nagkomento ang Kapuso star sa Facebook post ng kaibigan niyang direktor na si Darryl Yap tungkol sa pambebengga ni Chloe sa komedyante matapos nitong aminin na hiniwalayan siya ng asawang si Gerald Sibayan.

Ni-repost ni Direk Darryl ang isang art card kung saan mababasa ang “sagutan” nina Ai Ai at Chloe pati na ang pagpatol ng anak ng komedyana sa dyowa ni Carlos Yulo na si Sophia delas Alas.

Dito, kinampihan ng direktor ang Kapuso actress at ang nag-iisang anak na babae kasabay ng pamboboldyak niya kay Chloe.

“Sali nyo naman ako sa away nyo. Matapang din naman ako eh.

Baka Bet Mo: Chloe binantaan ng anak ni Ai Ai: Baka ako naman magdala sa ‘yo ng karma!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ano kayang kinaoffend ni Goldie sa sinabi ni Mama Ai na “Girlfriend ka pa lang” Ano ba gusto niya? TREASURER?” ang caption ng matapang at palabang direktor.

Sa comments section ay nag-iwan ng mensahe si Ai Ai na pinaniniwalaang para kay Chloe na ang ibig sabihin ay hindi uubra ang powers ni Chloe sa mga taong nagmamahal at nagtatanggol sa kanya.

Bwelta ng komedyante, “Hahahahaha. Baby D (Darryl)…nakupo d ka nya kaya pati yang anak ko. Nakupo ulit!”

Nag-start ang away nina Chloe at Ai Ai nang magbigay ng opinyon ang Comedy Queen sa ginawang pakikialam ni Chloe sa issue ni Carlos sa kanyang pamilya, partikular na sa nanay ng atleta na si Angelica Yulo.

Sabi ng komedyante kay Chloe, “Kasi nanay yan, e. Kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, huwag mo siyang aawayin. Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang.

“Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang girl, huwag mo munang awayin. Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa yan sa mga way na magiging harmonious ang inyong relationship,” ang pahayag ng komedyana sa panayam ng BANDERA.

At bumuwelta nga si Chloe tungkol dito sa pamamagitan ng pag-share ng artikulo tungkol sa naging payo noon sa kanya ng komedyante sa kanyang Facebook account nitong Martes, November 12.

Ang nakasaad sa caption ni Chloe, “Back to you mamang, hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo pero ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa’yo ng 10x ‍—it’s just the universe’s law.”

Sa comments section ng video ni Chloe, sumagot naman ang nag-iisang anak na babae ni Ai Ai, si Sophia na kilala bilang  palaban at tagapagtanggol ng kanyang “tanging ina”.

Ang hamon ni Sophia kay Chloe, “Matapang ka? Public mo naman post mo regarding my mom. Kita tayo sa Manila? Matapang ka eh.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinundan pa niya ito ng, “Girlfriend ka LANG naman talaga so why do you find it offensive?

“Lol, wag lang kita makita sa Manila baka ako naman ang magdala sayo ng karma, girl,” ang pagbabanta pa kay Chloe ng anak ng komedyante.

Ngunit mukhang ayaw talagang makipagbardagulan ni Chloe kay Sophia in public dahil ang naging sagot lang nito ay, “Messaged you love (smiling face with hearts emoji).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending