Chloe binantaan ng anak ni Ai Ai: Baka ako naman magdala sa ‘yo ng karma!
HINAMON ng anak ni Ai Ai delas Alas na si Sophia delas Alas-Bautista si Chloe San Jose matapos nitong banatan ang kanyang ina sa social media.
Sa isang video na ipinost ni Chloe kung saan pinanindigan nito ang naging bwelta niya sa sinabi ng Comedy Queen sa isang panayam na huwag siyang mag-feeling asawa ni Carlos Yulo at irespeto ang nanay nitong si Angelica Yulo.
“Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang. Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang girl, huwag mo munang awayin.
“Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa yan sa mga way na magiging harmonious ang inyong relationship,” ang sabi ni Ai Ai.
Kasunod nga nito, nakakita si Chloe ng pagkakataon na maresbakan si Ai Ai nang aminin ng komedyana sa publiko na hiwalay na sila ng asawang si Gerald Sibayan.
Baka Bet Mo: Chloe San Jose nanindigan sa bwelta kay Ai Ai, humugot sa mga duwag
Ni-repost ni Chloe ang isang artikulo tungkol dito at nilagyan ng caption na, “Back to you mamang, hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo pero ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa’yo ng 10x —it’s just the universe’s law.”
Hindi naka-public ang post na ito ng dyowa ni Caloy pero may isang Facebook page ang nag-share nito kaya bumandera rin sa publiko. May mga nagsabi naman na duwag daw si Chloe dahil sa “Friends Only” lang niya ito ibinahagi sa FB.
Paliwanag naman ni Chloe, “Why didn’t I make the post public? Because I do not involve myself in other people’s private lives PUBLICLY (especially without understanding and knowing the full story) and contribute to you all’s clown and fake entertainment.
“It’s beyond my control that someone took a screenshot of what was intended as a ‘private’ post… Now, let’s consider if I had posted it publicly. My caption was neither derogatory nor offensive in any way. So, why the outrage?
“Isn’t it actually more cowardly for people to discuss me publicly yet never address me directly in private, considering they have both the means and access to reach out directly.
“The true courage, ‘matapang’ and meaningful discussions take place offline, not on the internet,” aniya.
Sa comments section ng video ni Chloe, sumagot ang nag-iisang anak na babae ni Ai Ai, si Sophia na kilala bilang palaban at tagapagtanggol ng kanyang “tanging ina”.
Ang hamon ni Sophia kay Chloe, “Matapang ka? Public mo naman post mo regarding my mom. Kita tayo sa Manila? Matapang ka eh.”
Sinundan pa niya ito ng, “Girlfriend ka LANG naman talaga so why do you find it offensive?
“Lol, wag lang kita makita sa Manila baka ako naman ang magdala sayo ng karma, girl,” ang pagbabanta pa kay Chloe ng anak ni Ai Ai.
Ngunit mukhang ayaw talagang makipagbardagulan ni Chloe kay Sophia in public dahil ang naging sagot lang nito ay, “Messaged you love (smiling face with hearts emoji).”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.