Anthony Jennings hiyang-hiya pag tinatawag na heartthrob

Anthony Jennings hiyang-hiya pag tinatawag na heartthrob: Hindi ako sanay

Ervin Santiago - February 01, 2024 - 06:10 AM

Anthony Jennings hiyang-hiya pag tinatawag na heartthrob: Hindi ako sanay

Anthony Jennings at Maris Racal

HIYANG-HIYA si Anthony Jennings kapag tinatawag o sinasabihan na isa na siyang certified Kapamilya heartthrob.

Sikat na sikat kasi siya ngayon dahil sa pak na pak na tambalan nila ni Maris Racal sa ABS-CBN romcom series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Bentang-benta ngayon sa madlang pipol ang loveteam nila ni Maris na “SnoopRene”, na pinagsamang pangalan ng mga karakter nila (Snoop at Irene) sa naturang serye.

“Actually nagugulat nga ako sa mga na-take na namin na scenes, nakakalimutan ko na, bigla na lang mag-trending, lalo na sobrang love ng tao sa ginagawa namin.

Baka Bet Mo: Sanya hiyang-hiya sa mga natatanggap na papuri: Marami pa akong dapat patunayan

“And of course, credit ko rin kay Maris, magaling talaga siya. Sobrang grateful na palagi tinatanggap ng mga tao,” ang pahayag ni Anthony sa panayam ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony Jennings (@anthonyjenningss)


Aminado naman ang binata na bigla siyang na-pressure ngayon dahil sa tinatamasang kasikatan lalo pa’t tinatawag na siya ng mga netizens at viewers bilang “social media heartthrob.”

“Hindi ako sanay du’n! Namumula ako kapag sinasabihan ako, masarap sa puso na nasasabihan ako.

“First time ko siya ma-experience, nakikilala ako palagi ng mga tao. So bago sa akin ‘yun, ine-enjoy ko naman ‘yun pero siyempre kailangan stay pa din tayo sa lupa,” sey ni Anthony.

Baka Bet Mo: Sa wakas…Barbie nagsalita na tungkol sa tsismis sa kanila ni Daniel; hiyang-hiya kay Kathryn

Samantala, nabanggit din ng aktor sa naturang panayam na balak niyang bumalik sa pag-aaral kapag nakapag-ipon na siya nang sapat na pera.

“May mga homeschool naman kaya lang siyempre hindi ko na din maalala, bata pa ako nun nag-exam lang ako sa DepEd para mag-senior high, so pagpasok ko mag-senior high pa ako.

“Marami akong na-miss out din kailangan ko ma-experience ‘yung mabalikan ko. Feeling ko makakatulong din sa akin ‘yun sa acting, sa personal life ko.

“Siyempre para din sa ‘kin iba ‘yung may education, may hawak kang ganoon, may options ka din sa buhay mo,” aniya.

Kino-consider naman ni Anthony na ang pagganap niya bilang Snoop sa “Can’t Buy Me Love” na kanyang biggest break.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


“So far ito ‘yung pinakamatagal ko na ginawa, ito ‘yung pinaka-wild ko na character na ginawa.

“Kita naman sa mga eksena namin, hindi ko talaga ginagawa ‘yun. Nakakatuwa lang na natutuwa mga tao. Marami pa sila aabangan na kakikiligan,” sabi ng aktor.

Bukod kay Maris, may mga dream collab din daw siya in the future, “Siguro sa mga kuya-kuya ko parang gusto ko makasama sina Jericho Rosales. Papa P (Piolo Pascual) nakasama ko na sa sitcom ang saya-saya ng memories ko du’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa leading ladies kahit sino ‘yung pwede, kasi ito kay Maris surprise naman. Ganu’n naman siguro pag may magpi-fit magpi-fit,” ani Anthony.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending