Sanya hiyang-hiya sa mga natatanggap na papuri: Marami pa akong dapat patunayan Bandera

Sanya hiyang-hiya sa mga natatanggap na papuri: Marami pa akong dapat patunayan

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

Sanya hiyang-hiya sa mga natatanggap na papuri: Marami pa akong dapat patunayan

Ervin Santiago September 14, 2021 - 09:00 AM

Ken Chan at Sanya Lopez

HIYANG-HIYA pa rin ang Kapuso primetime star na si Sanya Lopez kapag sinasabihang isa sa mga most in-demand actress ngayon.

In fairness naman kasi sa dalaga, talaga namang hataw ang career niya ngayong 2021 sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic. 

Bukod sa hit GMA Telebabad series na “First Yaya”, napanood din siya bilang leading lady ni Bong Revilla sa weekly adventure series ng Kapuso Network na “Agimat ng Agila.”

“Nahihiya po ako kasi kapag ganyan po ang sinasabi sa akin, hindi ko pa pini-feel talaga. Every time na may nagsasabi sa akin na ikaw ang ganyan (in demand actress)…hindi po, e, kasi parang ang dami ko pang kailangang patunayan pa para masabing ganu’n. 

“Pero thankful po ako na ang dami-daming projects na ibinibigay sa akin ng GMA. Of course, ngayon, dumagdag pa ang Regal na talaga naman simula noong umpisa ay isa sa mga unang nagtiwala sa akin,” pahayag ni Sanya sa panayam ng GMA sa TikTok Live ng Regal Entertainment.

Katuwang ng GMA ang production company nina Mother Lily at Roselle Monteverde sa bagong drama anthology na “Regal Studio Presents” kung saan napanood nga last Saturday ang unang episode nitong “That Thin Line Between” nina Sanya at Ken Chan.

Sey pa ng aktres, “Kaya sabi ko nga po kulang ‘yung pasasalamat lagi para maibalik sa kanila ‘yun. Kailangan ko talagang galingan para maibalik ko sa kanila and thank you po talaga doon.”

Ginampanan ng dalaga sa “Regal Studio Presents: That Thin Line Between” ang character ni Gemma Rose bilang isang online seller.

“Actually, noong ibinigay sa akin itong role ko, kinabahan ako kasi ang daming online seller. Parang kapag nagkamali ka, feeling ko alam nila ‘yon, so kailangan mong pag-aralan. 

“So, nanonood po ako dahil hindi ako masyadong…dahil nag-work po ako, hindi ko masyadong alam yang mga online selling. Nanood po talaga ako ng mga live nila,” ani Sanya.

“Sobrang saya po and grateful na kami Ken ang pinagkatiwalaan para ilagay sa pilot episode ng ‘Regal Studio Presents.’ Kaya ginalingan talaga namin, ibigay namin ang best namin para dito sa ‘Regal Studio Presents’ kasi hindi biro na ipagkatiwala sa ‘yo yung pilot episode. 

“So, maraming-maraming salamat po talaga sa GMA at sa Regal para sa pagtitiwala ninyo sa akin,” sey pa ng dalaga.

Abangan ang susunod pang mga episode ng “Regal Studio Presents” tuwing Sabado sa GMA 7. 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending