Sa wakas...Barbie nagsalita na tungkol sa tsismis sa kanila ni Daniel; hiyang-hiya kay Kathryn Bandera

Sa wakas…Barbie nagsalita na tungkol sa tsismis sa kanila ni Daniel; hiyang-hiya kay Kathryn

Ervin Santiago |September 12,2022
share this

Sa wakas…Barbie nagsalita na tungkol sa tsismis sa kanila ni Daniel; hiyang-hiya kay Kathryn

Ervin Santiago - September 12, 2022 - 04:52 PM

Barbie Imperial, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

HIYANG-HIYA si Barbie Imperial kay Kathryn Bernardo matapos siyang matsismis sa reel and real life partner nitong si Daniel Padilla.

Sa kauna-unahang pagkakataon sinagot na ng aktres ang tsismis na nag-uugnay sa kanila ni Daniel noong kasagsagan ng isyu sa paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga.

January, 2022 nang bumandera ang chika na may “something” daw sa pagitan nila ni Daniel nang makita ang dalaga sa bahay ni Karla Estrada.

Sa pamamagitan ng isang vlog, nagpaliwanag si Barbie kung bakit siya nagpunta noon sa bahay ng nanay ni Daniel, “Pumunta ako ng bahay ni Tita Karla kasi first kaibigan ko si Tita Karla, and si Magui (kapatid ni Daniel), kaibigan ko rin. 

“And nu’ng pumunta ako doon, kaka-break lang namin actually ni Diego nu’n. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, si ate Ara (Mina), si Tita Karla. So pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si mama rito,” depensa ni Barbie.

Patuloy pa niya, “Ayaw ko kasi na pagkaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom. Hindi ganu’n. 

“Parang lalapit ako sa parang mom talaga mag-advice. And para fair ‘yung advice, kasi si Tita Karla parang anak-anakan niya rin si Diego,” paglilinaw pa niya.


Mariin pang sinabi ng dalaga na, “Wala si Daniel doon. Ang nandoon lang, si Tita Karla, family niya, si Magui. Andoon din ‘yung Beks Batallion. 

“So for me, talaga ba? Kung may gagawin akong masama, andoon ‘yung Beks Battalion? Nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman kung ganu’n,” aniya pa.

Hindi rin daw totoo na si Daniel ang nag-comfort sa kanya noong nagmu-move on siya sa breakup nila ni Diego. 

“Saan galing ‘to? Not true. Hindi. Wala akong ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman ‘yung about this tsismis. Pero hindi, hindi totoo,” pahayag ni Barbie.

“Ngayon ko lang yata sinagot ‘to kasi nanahimik talaga ako, eh. Kasi nung time na ‘yun, ‘yung nangyari ‘yung tsismis na ‘yun, siyempre nahihiya ako unang una kay Kath. Kasi anong iisipin niya, ganito ganyan,” katwiran ni Barbie.

“Walang truth ‘yung rumors and nirerespeto ko kung ano ‘yung meron si Kath and DJ, and sa lahat naman ng couples nire-respect ko ‘yon,” aniya pa.

Dimples hiyang-hiya kina Angel at Bea sa pa-surprise na baby shower para sa kanyang 3rd baby: Kasi gumagastos talaga sila

Sanya hiyang-hiya sa mga natatanggap na papuri: Marami pa akong dapat patunayan

Kris nanahimik dahil may pasabog sa pagbabalik: Kaya kong magpaligaya ng tao most especially NOW!

Vice hiyang-hiya nang mag-check in sa isang hotel sa Singapore: Nagpaandar kami, may yaman-yamanan moments, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending