Nova Villa niligawan nga ba ni Fernando Poe Jr. noon? | Bandera

Nova Villa niligawan nga ba ni Fernando Poe Jr. noon?

Therese Arceo |September 01,2023
facebook
share this

Nova Villa niligawan nga ba ni Fernando Poe Jr. noon?

Therese Arceo - September 01, 2023 - 05:32 PM

Nova Villa niligawan nga ba ni Fernando Poe Jr. noon?

HINDI kinumpirma ng beteranang aktres na si Nova Villa sa tanong kung nagkaroon nga ba sila ng relasyon ng namayapang si Fernando Poe Jr.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, August 31, ag natanong siya kung totoong niligawan siya noon ni Fernando Poe Jr.

Walang kumpirmasyon at wala ring itinanggi si Nova ukol rito ngunit isang makahulugang ngiti lang ang kanyang pinakawalan.

“Ang cute ni Tita Nova,” natatawang sabi ni Tito Boy habang tinitignan ang beteranang aktres.

Sey pa ng beteranang aktres habang naka-poker face, “Next question.”

Ito na rin ang paraan ni Nova na huwag nang sagutin ang tanong na marahil sy bilang respeto sa namayapang Da King.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens na maikumpara ang kanyang paraan ng pagsagot sa naging pahayag noo ni Janice Jurado matapos nitong aminin na nagkaroon sila ng relasyon ni FPJ na tumagal din daw ng ilang taon.

“Kumambyo si Tita Nova sa issue abt FPJ,kasi nagtrend si Janice Jurado na umaming may naging ‘something’ sila noon ni Da King,” saad ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Janice Jurado ibinuking ang ‘past’ nila ni FPJ

Comment naman ng isa, “Siya lang ang kaisa-isang actress [na] minanage ni FPJ kaya Siya naintrigang naging Sila.”

Sey naman ng isa, “May respeto si Nova V kay FPJ hindi pinalalandakan niligawan sya ni FPJ compare kay JH patay na si FPJ pinalalandakan kubg sino cya sa buhay ni FPJ.”

Matatandaang si FPJ ang naka-discover ng beteranang aktres nang magkita sila sa Premiere Productions compound noong 1965.

Lahad ni Nova, kalaro niya noon ang mga anak ng kanilang kapitbahay na komedyanang si Chichay at ito ang nagsama sa kanya sa Premiere Productions at doon nga nagsimulang matupad ang kanyang pangarap na maging artista at mapasok ang mundo ng pelikula.

“Kapitbahay namin siya [Chichay] sa Sampaloc at kalaro ko ang mga anak niya. Tapos sabi niya, she calls me Lita, kasi Novelita, ‘Samahan mo ako sa Premiere Productions.’

“Wala akong kamuwang-muwang sa mga ganoon, sa mga studio. So, nag-taxi lang kami. Tapos pagdating sa Premiere, bumukas ang malaking gate. Sabi niya, ‘Diyan ka muna sa canteen at may pupuntahan lang ako.’ Umupo lang ako doon. Walang tao sa canteen, yung lang cook,” pagbabaliktanaw ni Nova.

Ngunit kitang-kita raw mula sa kanyang puwesto ang gate ng Premiere kaya kada may pumapasok ay sumisilip siya dahil baka may artistang dumating.

“Mamaya may pumasok, Cadillac, puti. Ang haba ng Cadillac, ang ganda ng kotse!
“Nagkatitigan kaming dalawa [ng driver]. Ang guwapo, super! Ako yung napahiya nang titigan niya ako, pero patay-mali [malisya] ako. Matagal, tapos umandar na siya.

“Then suddenly, isang lalake, dumarating. He’s the production manager of Fernando Poe Jr., si Mr. Ben Esteva. Sabi niya, ‘Ne, sino yung kasama mo?’, [Sagot niya], ‘Si Aling Chichay po’,” sey pa ni Nova.

Agad nga siyang natanong kung gusto nitong maging artidta at doon na nagsimula ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang driver pala ng Cadillac na kanyang nakatitigan ay walang iba kundi ang Da King Fernando Poe Jr.

Related Chika:
Nova Villa ibinandera ang sikreto kung bakit sa edad na 76 ay malakas at mukhang bata pa rin

Paggaling ni Nova Villa sa COVID-19 isang himala, tuloy ang pagtatrabaho: Talagang Siya lang ang nagbibigay ng lahat ng ito…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending