LRT-1 Roosevelt Station papalitan na ang pangalan, tatawagin nang ‘FPJ Avenue’
NGAYONG araw, August 20, bibigyan-pugay ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) ang kaarawan ng yumaong National Artist na si Fernando Poe Jr.
Ang istasyon sa Quezon City na kilalang “Roosevelt Station” ay ipapangalan na sa iconic actor at ito ay tatawagin nang “FPJ Avenue.”
Ang pagpapalit ng pangalan na ito ay alinsunod na rin sa batas na RA 11608 na pinirmahan ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte noong December 10, 2022.
“I hope people remember FPJ whenever they board this train,” sey ni Senador Grace Poe, ang adoptive daughter ng mag-asawang FPJ at Susan Roces.
Aniya pa, “Public service has always been in FPJ’s heart. Giving commuters a safe and comfortable ride is a way of keeping his legacy alive.”
Baka Bet Mo: ANUNSYO: LRT-1, LRT-2 nagpatupad na ng taas-pasahe ngayong Agosto
Nakatakdang pangunahan ni Senador Poe ang renaming ceremony ngayong araw.
Ang mga kasama niyang dadalo ay sina dating Senate President Tito Sotto III at Senador Lito Lapid na nag-akda ng nasabing batas.
Present din diyan sina Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, Light Rail Management Corporation President and CEO na si Juan Alfonso, at ilan pang company officials.
Samantala, muling paalala sa mga commuters ng LRT-1.
Half day lang ngayong araw (Aug. 20) ang operasyon sa buong linya ng nasabing tren.
Ayon sa anunsyo, pwede niyo lang ito masakyan pagdating ng tanghali.
“Walang operasyon sa umaga mula 4:30am hanggang 11:59am,” saad sa post.
Anila, “Magsisimula ang NORMAL NA OPERASYON sa buong linya ng 12:00nn. Ang last train schedule ay 9:30pm (LRT-1 Baclaran Station) at 9:45pm (LRT-1 Roosevelt Station).”
Sinabi rin sa pahayag na ang special schedule ay dahil sa gagawing upgrade na bahagi ng ginagawa nilang Cavite Extension.
“Ito ay upang bigyang daan ang patuloy na isinasagawang signaling system upgrade sa buong linya na bahagi ng preparasyon para sa #LRT1 Cavite Extension,” sey ng pamunuan.
Read more:
ANUNSYO: LRT-1 half-day lang sa August 20, magkakaroon ng ‘system upgrade’
Aljur ‘chill-chill’ lang matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.