Aljur 'chill-chill' lang matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie | Bandera

Aljur ‘chill-chill’ lang matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie

Reggee Bonoan |July 14,2021
facebook
share this

Aljur ‘chill-chill’ lang matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie

Reggee Bonoan - July 14, 2021 - 04:26 PM

NAMATAAN si Aljur Abrenica sa isang restobar sa Katipunan Avenue, Quezon City kahapon kasama ang kaibigan habang nag-iinuman.

Mukha namang nagre-relax lang ang aktor at hindi planong magpakalasing dahil base sa larawang ipinost niya sa Instagram ay nagtsitsikahan lamang sila ng kaibigan.

Ang caption ni Aljur sa kanyang IG photo, “Chill night great food and experience.”

Nagkomento ang kaibigan ng aktor na si @errolesurf ng, “Chill night again soon brother!”
Say naman ni Aljur sa kanya, “@errolesurf naman tara na.”

Sagot uli ng kaibigan ni @errolesurf, “@ajabrenica matic yan paguwi ko manila.”

Tapos na ang pelikulang “Nerisa” na pinagbibidahan ni Aljur kasama ang sexy actress na si Cindy Miranda mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo handog ng Viva Films na mapapanood na sa Hulyo 30 sa Vivamax.

Feeling namin ay naghanap ng kausap si Aljur na mapaglalabasan niya ng saloobin tungkol sa kanila ng asawang si Kylie Padilla dahil tuluyan na silang naghiwalay kahit pa nag-effort siya na ayusin ang kanilang relasyon.

Wala naman kasing ibang makausap ang aktor dahil ang biyenan niyang si Robin Padilla ay nagpahayag na rin sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito na hindi siya makikialam sa gusot ng mag-asawa.

Wala rin naman daw silang mapag-uusapan ng manugang niya dahil wala naman siyang maipapayo tungkol sa sinasabing umanong third party ang dahilan kaya iniwan ni Aljur ang anak niyang si Kylie.

Ang maganda lang sa paghihiwalay nina Aljur at Kylie ay maayos silang nag-usap sa co-parenting agreement para sa mga anak nilang sina Alas at Axl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending