LRT-1, LRT-2 nagpatupad na ng taas-pasahe ngayong Agosto

ANUNSYO: LRT-1, LRT-2 nagpatupad na ng taas-pasahe ngayong Agosto

Pauline del Rosario - August 03, 2023 - 09:04 AM

ANUNSYO: LRT-1, LRT-2 nagpatupad na ng taas-pasahe ngayong Agosto

PHOTO: Philippine Daily Inquirer

ABISO sa lahat ng commuters na sumasakay ng LRT trains!

Nagsimula nang ipatupad sa LRT-1 at LRT-2 ang bagong fare adjustment o karagdagang singil sa pasahe ngayong buwan ng Agosto.

Ayon sa inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr), ang dating P11 na minimum boarding fee ay tumaas na ng P13.29.

Habang ang dating P1 para sa bawat kilometrong biyahe ay ginawa nang P1.21.

Kasabay niyan ay itinaas na rin ang minimum na pamasahe para sa stored value card o “beep card.”

Baka Bet Mo: PNR hindi na masasakyan ng commuters simula sa Disyembre

Mula sa kasalukuyang P12 ay magiging P14 na ito.

Magiging P33 naman ang maximum fare (Recto Station hanggang Antipolo Station) mula sa dating P28.

Kung Single Journey Ticket (SJT) ang gamit ninyo, mananatili sa P15 ang minimum fare, habang ang maximum fare ay nagtaas na ng P35 (Recto Station hanggang Antipolo Station) mula sa dating P30.

Ayon sa DOTr, gagamitin ang karagdagang pamasahe para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo ng mga tren.

Nilinaw rin ng ahensya na nagbibigay pa rin sila ng 20% discount sa mga pasaherong senior citizen, person with disability (PWD) at mga estudyante.

Payo ng Light Rail Transit Authority (LRTA), mas mainam kung gagamit ng stored value card o beep card upang makatipid at makaiwas sa abala.

Kung maaalala, taong 2015 pa nang huling nagpatupad ng fare hike ang dalawang rail system.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

DOTr nais magtaas ng pasahe sa MRT at LRT, ilang grupo pumapalag: ‘Dapat makiramdam naman ang ahensya…’

Mahigit 50k SIM na ginamit sa panloloko nayari, deactivated at blocked na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending