Roosevelt sa QC tatawagin nang FPJ Avenue, sey ni Susan Roces: Maraming salamat sa pagkilala sa aking kabiyak Bandera

Roosevelt sa QC tatawagin nang FPJ Avenue, sey ni Susan Roces: Maraming salamat sa pagkilala sa aking kabiyak

Ervin Santiago |January 13,2022
share this

Roosevelt sa QC tatawagin nang FPJ Avenue, sey ni Susan Roces: Maraming salamat sa pagkilala sa aking kabiyak

Ervin Santiago January 13, 2022 - 07:24 PM

Fernando Poe, Jr. at Susan Roces

GAGAWIN nang “Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue” ang “Roosevelt Avenue” sa Quezon City bilang pagkilala na rin sa pagiging National Artist ng tinaguriang Action King ng Philippine showbiz.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas ng pagbabago sa pangalan ng Roosevelt sa pamamagitan ng Republic Act No. 11608 na inilabas ng Malacañang ngayong araw.

“The Department of Public Works and Highways shall issue the necessary rules, orders, and circulars to implement the provisions of this Act within sixty (60) days from its effectivity.

“This Act shall take effect fifteen (15) days after its publication in the Official Gazette or in a newspaper of general circulation,” ayon sa inilanas na official statement mula sa Palasyo.

Noong September, 2021 inaprubahan ng Senado ang House Bill No. 7499, “renaming Roosevelt Avenue in the first legislative district in Quezon City to Fernando Poe Jr. Avenue.”

Bukod sa pagiging National Artist at pagiging haligi ng entertainment industry na tinagurian pang King of Philippine Movies, matatagpuan din sa 2.9-kilometer Roosevelt Avenue ang dating tahanan ni FPJ.

Ayon sa anak ng Action King na si Sen. Grace Poe,  “FPJ Avenue gives my father’s works and legacy a sense of place in our nation’s history.”

“For every Filipino, every ‘probinsyano’ who will pass along this avenue, we hope this serves as a physical reminder that no dream is too big and no goal is ever out of reach.

“Nawa’y magsilbing ehemplo ng katatagan, pagpupunyagi at pag-asa ang buhay ni FPJ sa ating mga kababayan,” sabi pa ng senador.

Narito naman ang naging pahayag ng movie queen at asawa ni FPJ na si Susan Roces, “Maraming salamat sa inyong pagkilala at pagpapahalaga sa aking kabiyak sa pagpapangalan sa kanya ng FPJ Avenue.

“Maging inspirasyon sana ang kababaang-loob, malasakit sa kapwa, at pagmamahal sa sining ni FPJ sa bawat daraan sa abenidang ito,” sabi pa ng isa sa Queen of Philippine Movies.

Lovi inialay kay FPJ ang paglipat sa ABS-CBN: It makes me feel close to my father

Sharon inalala ang mga paandar ni FPJ: Pag may umapi sa ‘yo, alam mong to the rescue siya

Susan Roces 80 na today; ‘School at Home’ ng Knowledge Channel wagi sa CSR Guild Awards

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending