Mitch Valdez natulala, 'napanganga' kay Coco Martin

Mitch Valdez natulala, ‘napanganga’ kay Coco; naloka nang maka-eksena si Nora

Reggee Bonoan - June 16, 2024 - 10:13 AM

Mitch Valdez natulala, 'napanganga' kay Coco; naloka nang maka-eksena si Nora

Coco Martin, Mitch Valdez, Nora Aunor

SINONG mag-aakala na ang isang tulad ni Mitch Valdez na isang Urian awardee at nage-excel sa lahat ng ginagawa niya sa entablado, pelikula at telebisyon ay natulala kay Coco Martin.

Sa segment na “Pick A Name” sa vlog ni Snooky Serna ay nakuha ni Mitch ang pangalan ng aktor, direktor at producer.

Aniya, “When my first few days shooting  in ‘Ang Probinsyano’ -I haven’t done a teleserye or a TV show for about a decade until Probinsyano.

“He (Coco) was directing some days, he was writing some days, and he’s an actor, so, can you imagine all those hats na suot niya?”

Kwento pa niya, “’Yung bahay ni Lola Susan Roces nandoon sa taas tapos nandoon kami (sa baba) na may ambulansya na inilalabas ‘yung anak niyang pinatay (namatay sa pagsabog ng bomba) tapos nagi-internalize na siya kasi ‘yung anak niya inilalabas na, so kailangan lumuluha na siya.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez inspirasyon si Coco Martin para lalong galingan sa trabaho

“Tapos sabi niya, ‘yung drone (camera) kunin n’yo pgdating nu’ng ano, aakyat ‘yung drone at lalabas si lola at pagkatapos doon baba ‘yung drone, ha.’

“Naka-ganu’n ako (nakanganga) hindi nawala ‘yung internalization pero nagdi-direk.”

Natawa naman si Kooky sa kuwento ni Mitch na nagi-internalize pero nakuha pang mag-direk ni Coco na in-imagine nila ang eksena na talagang kahanga-hanga ang aktor.

Isa pang hinangaan ng komedyana ay ang National Artist at nag-iisang superstar na si Nora Aunor na nakasama niya sa pelikulang “Bulaklak ng City Jail,” 1984 na idinirek ni Mario O’Hara.

“When you did movies and the set is like that and we were shooting inside the Pasig City Jail talaga. That I can remember was the smell and the despair because all those people on that jail wala pang trial,” chika ni Mitch.

Patuloy ng aktres, “At itong si Nora Aunor pala napaka-realistic na ‘yung eksena na ginulpi niya ako in the end, talagang ginulpi niya ako pasa-pasa ako (pinakita ang video).”

Nagulat si Snooky, “Ate talagang ikaw ‘yun (akala may dobol)?”

“Oo ako, (sabay banggit) ate Guy? ha, ha, ha, ha.”

Natanong naman ng vlogger-host kung naging magkaibigan sila ng superstar pagkatapos ng shooting.

“Who doesn’t become good friends with Nora?” natatawang sagot ni Mitch.

Marami pang ibang artista at direktor na naka-work ng beteranang aktres na ikinuwento niya ang mga unforgettable experiences niya kaya tawa ng tawa si Snooky.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya ang bilin ni Mitch, “Do not take us seriously when we complained about our job because at the end of the day we cry if we don’t have job and we are grateful that the audience is there. Paki-edit lang para may career pa ako after.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending