Darryl Yap sinagot si Mitch Valdes ukol sa isyung 'pedophile': Pangalanan mo ngang ako ito | Bandera

Darryl Yap sinagot si Mitch Valdes ukol sa isyung ‘pedophile’: Pangalanan mo ngang ako ito

Therese Arceo - July 21, 2022 - 01:30 PM

Darryl Yap sinagot si Mitch Valdes ukol sa isyung 'pedophile'

SINAGOT ng VinCentiments director na si Darryl Yap ang naging patutsada ng singer-actress na si Mitch Valdes ukol sa isang “pedophile” director na may pelikula.

Sa mismong Facebook page ng VinCentiments ay naglabas ng pahayag ang direktor kontra sa sinabi ng singer-actress.

“Bago pa kumanta si Mitch Valdes ng “wala naman akong pinangalanan” o “bakit siya tinamaan”. Hayaan mong bumirit ako sa lyrics na PANGALANAN MO NGANG AKO ITO,” saad ni Darryl.

Aniya, mahirap daw kasi sa “sugatan”, akala daw ng mga ito ay may karapatan na silang manakit ng iba.

“May karapatan ka sa sarili mong opinyon at kamiserablehan, pero tigilan mo ko sa pagtatapang-tapangan mo at gagawin mong bala ang gawa-gawang paninira ng mga gaya mong ipinaglaban ang demokrasya pero di handa sa tunay na kahulugan nito,” banat pa ni Darryl.

Hinamon rin niya ang mang-aawit na harapon siya ng personal at isama rin nito ang mga naging source nito sa diumano’y
“pedophile” at “admitted pedophile” issue ng direktor.

“Ang gagaling n’yong umastang tagapangtanggol kayo ng inaagrabyado pero kayo ang numero unong masasangsang ang ugali,” pagpaptuloy ni Darryl.

Hirit pa niya, “Gagawa-gawa kayo ng paninira tapos palalabasin n’yong inamin ko? Ano kayo may TB? Mas malala pa sa TB ang sakit na ‘yan.”

Matatandaang nag-post si Mitch Valdes ukol sa kanyang naging karanasan noong mangyari ang Martial Law sa ilalim ng ama ni Pangulong Bongbong Marcos na si Ferdinand Marcos Jr.

“I lived thru Martial law where the mere sight of soldiers or policemen would make my knees quake because people disappeared. I could not express my opinion in shows because people disappeared. I then joined the people who had had enough and faced tanks,” matapang na saad ng singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darryl Yap (@direkdarrylyap)

Pagpapatuloy niya, “We prayed for a quick death if they ran us over.
“I saw the cowardly family escape trailing jewels and cash in adult diaper boxers.”

Dagdag pa niya, ngayon raw ay may boses na ang mga Pilipino dahil sa mga naging sakpisyo ng mga tao noon na na-torture at namatay para sa tinatamasang “boses” natin ngayon.

“No movie made by a pedophile can change this,” hirit pa ni Mitch.

Bagamat wala siyang pinangalanan ay agas nang nahulahan ng mga netizens na si Darryl Yap ang pinatutungkulan nito na kasalukuyang may ginagawang pelikula na base sa diumano’y bersyon ng storya ng mga nangyayari sa loob ng Malacañang tatlong oras bago mapaalis ang mga Marcos sa pwesto nang maganap ang EDSA People Power.

Wala pa namang sagot si Mictch ukol sa sinabi no Darryl sa screengran ng kanyang post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?

Bwelta ni Rowena Guanzon nang tawaging ‘damatands’: I will call you a pedophile

Darryl Yap may patutsada kay Leni Robredo: Talo na po kayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending