Bwelta ni Rowena Guanzon nang tawaging 'damatands': I will call you a pedophile | Bandera

Bwelta ni Rowena Guanzon nang tawaging ‘damatands’: I will call you a pedophile

Therese Arceo - July 13, 2022 - 02:14 PM

Rowena Guanzon nang tawaging 'damatands': I will call you a pedophile
MUKHANG kasali na rin sa bardagulan nina P3PWD Rep. Rowena Guanzon at Ruffa Gutierrez ang VinCentiments director na si Darryl Yap.

Tila pasaring kasi sa direktor ang banat ng dating Comelec commissioner sa kanyang tweet kahapon, July 12.

“[You] can call me Bruneiyuki or a whore , bitch, but if u call me damatands I will call u a pedophile,” saad ni Guanzon.

Matatandaang kahapon ay naisulat namin na nagpadala ng mensahe si Darryl kay Ruffa patungkol sa kinakaharap nitong isyu.

Aniya, handa raw siyang tulungan ang aktres at gumawa ng content patungkol sa kinasasangkutan niyang kontrobersiya na nagsimula sa tweet ni Guanzon.

Pinayuhan din niya ang aktres na huwag na lamang itong pansinin dahil matanda na raw ito at huwag na lang daw basagin ang trip niya.

Kaya naman muling rumesbak si Guanzon at mukhang si Darryl Yap naman ang bagong karakter na dumagdag sa “bardagulan” serye ng aktres at congresswoman.

Taong 2020 nang lumabas ang “pedophile” issue niya noong may isang netizen ang nag-akusa sa kanya bilang secual groomer at ibinahagi nag screenshot ng kanilang pag-usaap.

Base sa netizen ay 16 years old lamang siya nang diumano’y i-groom siya ni Darryl.

Ang grooming o child grooming ay isang proseso o paraan ng mga sexual predators para mag-establish ng emotional attachment o connection sa pagitan nila ng kanyang biktima para i-manipulate at i-exploit ang mga ito.

Pinabulaanan naman ni Darryl ang mga ibinatong akusasyon sa kanya ng netizen at sinabing edited ang ibang mga screenshots na ibinahagi nito.

Samantala, sinagot na rin naman ng direktor ang pasaring ni Guanzon sa pamamagitan ng pagpo-post sa Facebook page ng VinCentiments.

“I will call you whatever I want to call you,” sey ni Darryl.

Dagdag pa niya, “And I have to call you many times baka hindi mo marinig DAHIL GURANG KA NA.”

May post rin ito at sinabing totoo naman raw ang pagiging matanda pero ang isyu ng pedophilia ay hindi na tumutugma sa pasaring ni Guanzon sa Twitter.

“Yung pagiging matanda, totoo. Yung paninirang ‘pedophile’ hindi. Yung pagiging elected? Pag-uulyanin yan,” banat pa ni Darryl.

Hirit pa niya, “Tawagin na raw siyang p*ta o whore wag lang daw matanda. E pano yan? Marami akong p**pok friends, ayaw ko silang ma-offend.”

Related Chika:
‘Bardagulan’ hirit ni Rowena Guanzon: Pinapasuweldo ko nang maayos ang mga kasambahay namin

Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Where is your compassion?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone

Annabelle Rama sa kaaway ni Ruffa: Kung magkuwento ka akala mo CCTV ka! Pwede ba huwag ka maging chismosang Marites!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending