Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Where is your compassion? | Bandera

Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Where is your compassion?

Therese Arceo - July 08, 2022 - 09:26 PM

Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Where is your compassion?

TOTOO nga ba ang chika na may pinalayas na dalawang kasambahay ang aktres na si Ruffa Gutierrez?’

Ito ang tanong ng madlang pipol matapos siyang pasaringan ng dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon sa tweet ng dating commissioner kahapon, July 7, ay may dalawang kasambahay raw ang kinailangang tulungan ng kanyang kaibigan matapos itong paalisin ng kanilang amo.

“Calling PAO chief Persi Acosta. 2 household helpers from Kabankalan Negros Occ were thrown out of Ayala Alabang tonight by their employers without paying their salaries. My friend had to rescue them,” sey ni Guanzon.

Muli naman itong nag-tweet at kinuwestiyon ang amo ng naturang mga kasambahay sa hindi nito pagbibigay ng sahod sa dalawa.

“My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?” tweet ni Guanzon.

Sa huli nitong tweet ay tila pinangalanan na niya kung sino ang “employer” ng dalawang kasambahay na isa pa lang sikat na actress-beaury queen.

“Ms Ruffa Gutierrez is is true?” sabi ni Guanzon.

Maging sa kanyang Facebook account ay pinatutsadahan niya ang aktres hinggil sa isyung kinakaharap.

Ramdam ang gigil at galit ng dating Comelec commissioner sa nangyari sa dalawang kasambahay.

“Marangal ang trabaho ng isang kasambahay. sila ang nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating mga tahanan.
Nakakagalit! Ipaglalaban ko kayo!” matapang na sambit ni Guanzon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, si Rowena Guanzon ay naisyuhan kamakailan ng Temporary Restraining Order o TRO ng Korte Suprema upang pigilan itong makaupo bilang miyembro ng Kamara.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Ruffa Gutierrez ukol sa isyu.

Related Chika:
Female star naloloka sa kasambahay, nagka-COVID na labas pa rin nang labas: Kaka-stress!

Kasambahay nag-iiyak nang biglang ‘mag-away’ sina Vice at Ion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending