Female star naloloka sa kasambahay, nagka-COVID na labas pa rin nang labas: Kaka-stress! | Bandera

Female star naloloka sa kasambahay, nagka-COVID na labas pa rin nang labas: Kaka-stress!

Ervin Santiago |January 26,2022
facebook
share this

Female star naloloka sa kasambahay, nagka-COVID na labas pa rin nang labas: Kaka-stress!

Ervin Santiago - January 26, 2022 - 07:31 AM

MARAMING naka-relate sa hugot ng isang mestisang aktres tungkol sa kanyang kasambahay na parang walang takot na mahawa ng COVID-19 dahil sa kalalabas nito.

Nabasa namin ang ipinost niya sa social media kamakailan kung saan inilabas niya ang kanyang sama ng loob dahil sa pinaggagagawa ng isa niyang kasama sa bahay.

Kuwento ng magaling at mabait na aktres, “Anong take nyo sa kasambahay na kaka off lang nu’ng January 2 dalawang araw, ngayon nagpapaalam na naman ng overnight para daw magpamasahe at masakit likod nya?”

Sey ng aktres, hindi naman daw siya istrikto sa kanyang mga “angel”, “Pero jusko wag naman ngayon, dami pa cases (COVID) oh. Ako nga di makalabas at makisalamuha sa taong walang RT PCR eh kahit gano pa ka close or kamag anak…

“Mga nakapaligid nga sa akin panay na ang test di naman nagco commute at di lumalabas nagpa positive pa, pano syang lalabas magcocommute makisalamuha sa pamilya nya at kapitbahay plus magmamasahe sa kanya. Ano ba un?! Kaka stress,” sumbong pa ng female star.

Pagpapatuloy pa niya, “Ngayon lang ako di pumayag sa lahat ng paalam nyang alanganin, sinisimangutan at dinadabugan pa ako…

“FYI nung OCT halos isang buwan sya nagbakasyon, at nung August nagka covid yan ako pa nag alaga, nagpagamot at nagpapakain sa kanya at mga gawain nya ako na rin gumawa… with pay yun ha, sumuweldo pa rin siya. hay nakakalungkot talaga oh…walang malasakit!

“Iba na kasi ngayon malala ang comorbidities namin ngayon lang namang malala ang omicron, pero wala pa ren,” himutok pa ng aktres.

Sa ibinigay niyang update tungkol dito, “Ngayong umaga 1 oras nawala nagpa load daw… oh edi lumabas pa din sya ng walang paalam.”

In fairness, hindi lang naman sa kanya nangyayari ang ganito, napag-alaman namin na marami pang mga celebrities na problemado sa mga pasaway na kasambahay.

Kung maraming mga “angels” sa bahay na talagang kapuri-puri ang ibinibigay na serbisyo sa kanilang mga employer, may mga ilan pa rin na kung magsalita at umasta ay parang sila pa ang amo.

May nagchika pa sa amin na may mga artistang pinapipili ang kanilang mga kasambahay na kapag nagbakasyon ngayong pandemya, pwede silang bumalik pero bawal munang mag-off habang mataas pa ang kaso ng COVID-19.

Ngunit karamihan daw sa mga umaalis ay hindi na bumabalik dahil hindi nila gusto na mag-stay sa bahay ng kanilang employer o wala munang uwian nang matagalan.

https://bandera.inquirer.net/280624/kasambahay-nag-iiyak-nang-biglang-mag-away-sina-vice-at-

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bitoy, kasambahay nabiktima ng online scammer: Kapag hindi n’yo in-order, just say no!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending