Kasambahay nag-iiyak nang biglang 'mag-away' sina Vice at Ion | Bandera

Kasambahay nag-iiyak nang biglang ‘mag-away’ sina Vice at Ion

Alex Brosas |March 25,2021
facebook
share this

Kasambahay nag-iiyak nang biglang ‘mag-away’ sina Vice at Ion

Alex Brosas - March 25, 2021 - 06:24 PM

KALOKA itong magdyowang sina Vice Ganda at Ion Perez, pinagtripan kasi nila ang kanilang mga kasambahay recently.

Sa latest YouTube video ng main host ng “It’s Showtime,” ipinakita nito ang isang prank sa mga kasambahay ng magdyowa.

Sa unang minuto pa lang ng video ay sinabi na ng Kapamilya couple na isa lamang prank ang kanilang gagawin sa mga kasambahay nila.

Ang eksenang sumunod ay nasa dining table ang magdyowa at ayaw kumain ni Vice Ganda kahit na anong pilit pa ang gawin ni Ion.

Nagkasagutan ang dalawa na ikinagulat ng mga kasambahay. At one point, ipinatawag pa ni Ion ang isang kasambahay dahil naalatan siya sa luto nito.

Naartehan naman si Vice Ganda kay Ion. Napikon pa siya kunwari nang biglang nagdabog si Ion habang nasa refrigerator.

Ibinagsak nito ang isang plastic container at nagkasagutan sila dahil doon.

Dumating pa sa puntong nagbato ng isang maliit na bagay si Vice Ganda sa kitchen.

Nang tumayo ang host-comedian at pumunta ng kitchen, nakita niyang umiiyak na ang mga kasambahay kaya naman sinabi niyang isang prank lamang iyon.

Sa huli ay nag-sorry ang “It’s Showtime” host sa kasambahay nilang si Vangie na sobrang naapektuhan ng kanilang prank. Niyakap niya ito nang mahigpit at nag-sorry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending