Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa ABS-CBN Ball 2023, magkahawak-kamay na rumampa sa red carpet | Bandera

Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa ABS-CBN Ball 2023, magkahawak-kamay na rumampa sa red carpet

Ervin Santiago |October 01,2023
facebook
share this

Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa ABS-CBN Ball 2023, magkahawak-kamay na rumampa sa red carpet

Ervin Santiago - October 01, 2023 - 10:30 AM

Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa ABS-CBN Ball 2023, magkahawak-kamay na rumampa sa red carpet

Coco Martin at Julia Montes

MAGKAHAWAK-KAMAY na rumampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023 ang Kapamilya couple na sina Julia Montes at Coco Martin.

Ginanap ang bonggang-bonggang event ng ABS-CBN kagabi, September 30, sa Makati Shangri-La Hotel na dinaluhan ng naglalakihang Kapuso, Kapamilya at Kapatid stars.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na um-attend sina Coco at Julia sa naturang event bilang magkarelasyon kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga fans and supporters.

Guwapung-guwapo si Coco sa suot niyang black tuxedo habang mala-diyosa naman si Julia sa kanyang black gown dahil lutang na lutang ang kanyang kagandahan nang rumampa sa red carpet.

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Julia na kakaibang kaligayahan ang nararamdaman niya sa muling pagsasama-sama ng mga kapwa niya Kapamilya sa isang makabuluhang event makalipas ang mahabang panahon.

“We are good and very happy kasi ito nagsama-sama tayo ngayon and after a long time, ‘di ba?

“Parang bibihira na nangyayari ito at parang tama talaga ‘yung tagline natin for tonight, ‘forever grateful,'” pahayag ni Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN (@abscbn)


Aniya pa, perfect na perfect ang theme ng event na “Forever Grateful” kung saan pinarangalan at pinasalamatan ng management ang lahat ng mga naging loyal at nanatili sa network sa kabila ng matitinding challenges na kanilang hinarap.

Baka Bet Mo: Kapuso stars kanya-kanyang paandar at pakilig sa GMA Gala Night 2023 proposal; Paul sinorpresa si Mikee, dyowa ni Klea nag-‘yes’ agad

Kabilang na nga riyan ang pagsasara ng ABS-CBN matapos mawalan ng broadcast franchise.

“Yung mga friends at colleagues natin na hindi natin nakikita everytime ngayon mag-ga-gather together and lahat tayo grateful to be together this evening,” pahayag ni Julia.

Todo naman ang pasasalamat ni Coco dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang nagtatrabaho sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinaharap.

“Siyempre na hanggang ngayon ay nandito tayo nagsasama-sama para patunayan ‘yung pagmamahalan, pagkakaisa na hanggang ngayon ay lumalaban pa rin. Nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon ay may trabaho tayo.

“Marami pa ring trabaho ‘yung mga kasama natin sa industriya. Ito ‘yung panahon para makapagpasalamat tayo, sa lahat ng mga tumulong sa atin, sa network, sa mga endorsement, sa lahat ng mga tao especially sa ABS-CBN and co-actors natin,” dagdag pang pahayag ng Teleserye King at lead star ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Matatandaang noong May, 2023 ay inamin nina Coco at Julia ang kanilang relasyon sa madlang pipol. Ngunit sa kabila nito, wala pa rin silang inilalabas na kumpirmasyon tungkol sa kanilang anak.

Celebrity couples patalbugan ng OOTD sa ABS-CBN Ball 2023; Kathryn, Daniel agaw-eksena sa pagrampa sa red carpet

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Celeste Cortesi rumampa bilang Darna sa Miss Universe 2022 National Costume preliminary competition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending