Kapuso stars kanya-kanyang paandar at pakilig sa GMA Gala Night 2023 proposal; Paul sinorpresa si Mikee, dyowa ni Klea nag-‘yes’ agad
PATULOY ang paghahanda ng Kapuso artists sa highly anticipated na “GMA Gala 2023.”
Maliban sa kanilang naggagandahang outfits, kaabang-abang din kung sinu-sino sa mga Kapuso couples ang muling magpapakilig sa red carpet.
Kaya naman, kanya-kanya silang pakulo upang makuha ang matamis na oo ng kanilang makaka-date sa GMA Gala.
Tulad ni Paul Salas na idinaan sa romantic surprise dinner ang date proposal kay Mikee Quintos.
View this post on Instagram
Say ng isang netizen, “Wow that’s so romantic. I love this couple. Aabangan namin ang mga outfit ng PaulKee.” Mapapanood ang nakakakilig na video nito sa kanilang vlog.
Baka Bet Mo: Beauty Gonzalez P10-M ang halaga ng suot na mga alahas sa GMA Thanksgiving Gala
Ibinahagi naman ni Klea Pineda sa TikTok ang cute video kung saan nasorpresa ang kanyang girlfriend na si Katrice Kierulf sa kanyang tanong na, “Will you be my date on July 22 for GMA Gala Ball?”
Hindi naman nabigo si Klea sa nakuhang sagot na “Yes, baby!” ni Katrice.
View this post on Instagram
Samantala, isang airport proposal ang ginawa ni Jeric Gonzales para sa beauty queen girlfriend nitong si Rabiya Mateo.
Makikita ang kabuuang proposal sa kanyang instagram na may caption na, “She said Yes!!! Thank you sa pagpayag na maging date ko on GMA Gala, I love you @rabiyamateo.”
Nabitin ba kayo sa kilig na dala ng Kapuso couples? Don’t worry dahil there’s more to look forward to sa GMA Gala 2023 kung saan everyone is invited to join sa official red carpet livestream on July 22 at 5 p.m. on Sparkle’s social media accounts.
Hugot ni Jinkee: Bitterness is a poison to your soul, jealousy kills your happiness
Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.