Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman... | Bandera

Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman…

Therese Arceo |August 18,2022
facebook
share this

Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman…

Therese Arceo - August 18, 2022 - 02:58 PM

 

Bwelta ni Alice Dixson sa mga nang-okray sa kanyang GMA Gala Night yellow gown: Ang tao nga naman...NAGSALITA na ang aktres na si Alice Dixson ukol sa mga batikos na natatanggap niya ukol sa suot niyang gown noong GMA Gala Night.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang side of the story ukol sa tila “controversial” attire niya sa nagdaang Kapuso formal event.

“It has come to my attention na may mga nagalit, nainis, nag ba-bash tungkol sa lovely bright canary yellow gown ko na suot ko noong GMA Thanksgiving Gala,” umpisa ni Alice.

Aniya, marami raw ang nagsabing nagmukha siyang gate crasher sa naturang event at nasira pa nga raw niya ang magandang preparation ng gala.

Pagpapatuloy pa ni Alice, “Really??!”Tsk2, ang tao ng naman…”

Kaya naman ipinaliwanag niya sa mga netizens ang kanyang pagkakaintindi sa invitation sa kanya at sinearch niya rin sa internet ang ibig sabihin ng “Black and White event”.

“For me (and I also looked it up ha!) ang isang Formal Black and White event is simply that, a formal event,” sey ni Alice.

Hirit pa niya, “No where on any of my invitations that I received (attached) did it say you could only wear black and white! So I’m sorry if I hurt your feelings or sensibilities.”

Chika pa niya, ang akala niya ay na-achieve naman niya ang mga layunin na kailangan sa naturang gala night.

“I honestly thought I accomplished what was needed for the night: give thanks, mingle and meet my colleagues and the bosses, and have fun,” lahad ni Alice.

Tanong niya sa mga nang-okray sa outfit niya, “Kayo mga bashers, anong nagawa nyo??? Pls Lang huwag nmn kasi kayo masyado judgmental.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


Dagdag pa niya, “Peace & Thank you.”

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at pinayuhan si Alice na dedmahin na lang ang mga taong nangnenega sa kanya.

“Nevermind the bashers, Ms. A. You look dashingly beautiful. Yellow really suits you,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “You looked amazing and fantastic. I loved the whole look Miss Alice.”

Sey naman ng isa, “Sa true! Deadma! Inggit sa class and beauty mo.”

Maski sina Kim Atienza, Nelson Canlas, at GMA executive Annette Gozon Valdes ay nag-iwan ng positibong mensahe para kay Alice.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan si Alice Dixon dahil sa kulay yellow na suot niyang gown noong GMA Gala Night kung saan karamihan sa mga dumalo ay nakasuot ng black and white attire.

Marami sa mga netizens ang nakapansin at kinuwestiyon ang aktres na diumano’y hindi raw na-inform sa theme ng event.

Related Chika:
Alice Dixson inatake ng ‘sepanx’ nang mawalay sa anak para sumabak sa lock-in taping ng ‘First Lady’

Wish ni Alice natupad makalipas ang 10 taon: May baby na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alice Dixson nilinaw na buhay pa ang nanay ni Sassa: Ayoko naman angkinin ang credit sa pagpapalaki ng kanyang anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending