Nova Villa sinagot ang tanong kung may anak sila ni FPJ

Nova Villa sinagot ang tanong kung nagkaroon nga ba sila ng anak ni FPJ

Ervin Santiago |April 04,2024
facebook
share this

Nova Villa sinagot ang tanong kung nagkaroon nga ba sila ng anak ni FPJ

Ervin Santiago - April 04, 2024 - 12:30 AM

Nova Villa sinagot ang tanong kung nagkaroon nga ba sila ng anak ni FPJ

Fernando Poe, Jr. at Nova Villa

NEVER, as in never nagkaroon ng anak ang beteranang aktres na si Nova Villa sa yumaong Action King na si Fernando Poe Jr..

Taliwas nga ito sa mga chika noon na may anak daw sina Nova at FPJ, ang naging bunga umano ng kanilang pagmamahalan ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Sabi ni Tita Nova, walang katotohanan ang nasabing tsismis sa kanila ni Da King dahil kung nagkaroon man daw sila ng anak, hinding-hindi raw niya ito itatago o isisikreto sa publiko.

Baka Bet Mo: Paggaling ni Nova Villa sa COVID-19 isang himala, tuloy ang pagtatrabaho: Talagang Siya lang ang nagbibigay ng lahat ng ito…

Sa YouTube vlog ng ating kaibigang showbiz reporter na si Morly Alinio, natanong nga ang premyadong veteran star kung totoo bang nagkaroon sila ng anak ni FPJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🙂 (@hitheredb)


“Tita Nova, tanong ko lang, tutal matagal na rin itong pinag-usapan. Nagkaroon daw kayo ng anak ni FPJ?” ang diretsahang tanong ni Morly.

“Hindi po, walang ganu’n,” agad na sagot ni Tita Nova.

“At kung mayroon hindi mo naman ide-deny?” ang sundot na tanong sa kanya.

“Hindi mo ide-deny, anak mo ‘yon, e. Wala namang nangyari. Ayoko na lang palakihin. Rest in peace na ‘yong tao,” ang sagot ng aktres na ayaw nang kaladkarin pa ang pangalan ng yumaong movie icon.

Baka Bet Mo: Nova Villa ibinandera ang sikreto kung bakit sa edad na 76 ay malakas at mukhang bata pa rin

Ayon kay Tita Nova, meron naman daw siyang pamilya, sa katunayan may mga apo na siya sa kanyang anak na hindi nakahiligan ang showbiz.

“I have a daughter. Mayroon na akong apo. Apat, nasa Amerika. Ang asawa ko, hindi showbiz,” sabi ng batikang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo Shots (@sarahgeronimoshots)


Inilarawan ni Tita Nova ang kanyang buhay ngayon bilang “simple, pero masaya.”

Sa mga hindi pa aware, si FPJ ang naging discoverer ni Nova sa showbiz. Naispatan siya ni Da King sa compound ng Premiere Productions noong 1965.

Ang komedyana ring si Chichay (R.I.P.) ang nagsama kay Nova sa Premiere Productions na naging daan para maging artista siya.

Pagbabahagi ni Nova sa naging panayam sa kanya ni Boy Abunda, “Kapitbahay namin siya (Chichay) sa Sampaloc at kalaro ko ang mga anak niya. Tapos sabi niya, she calls me Lita, kasi Novelita, ‘Samahan mo ako sa Premiere Productions.’

“Wala akong kamuwang-muwang sa mga ganoon, sa mga studio. So, nag-taxi lang kami. Tapos pagdating sa Premiere, bumukas ang malaking gate.

“Sabi niya, ‘Diyan ka muna sa canteen at may pupuntahan lang ako.’ Umupo lang ako doon. Walang tao sa canteen, yung lang cook.

“Pero kitang-kita ko ang gate ng Premiere. Kada may pumapasok, sumisilip ako kasi baka mamaya artista. Mamaya may pumasok, Cadillac, puti. Ang haba ng Cadillac, ang ganda ng kotse!

“Nagkatitigan kaming dalawa (ng driver). Ang guwapo, super! Ako yung napahiya nang titigan niya ako, pero patay-malisya ako. Matagal, tapos umandar na siya.

“Then suddenly, isang lalake, dumarating. He’s the production manager of Fernando Poe Jr., si Mr. Ben Esteva.

“Sabi niya, ‘Ne, sino yung kasama mo?’ ‘Si Aling Chichay po.’ ‘Gusto mong mag-artista?’

“‘Opo,’ dahil umaakting-akting na ako sa harap ng salamin. Sa komiks, mine-memorize ko yung mga dialogue sa Pilipino Komiks.

“Agad-agad, sabi niya, ‘Magsu-shooting ka na bukas!’” sabi sa kanya ng kausap.

Nalaman din ni Tita Nova na ang driver pala ng Cadillac na nakatitigan ni Nova ay si FPJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag kuwento pa ng aktres, sa unang pelikula niya na pinagbidahan ni FPJ ay P1,000 ang natanggap niyang talent fee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending