Nova Villa inalala si Dolphy; ibinuking sina Belle at Donny

Nova Villa inalala ang kabaitan ni Dolphy; ibinuking sina Belle at Donny

Ervin Santiago - January 07, 2024 - 08:27 AM

Nova Villa inalala ang kabaitan ni Dolphy; ibinuking sina Belle at Donny

Nova Villa

NAPA-THROWBACK ang award-winning veteran actress na si Nova Villa sa naging pagsisimula ng kanyang showbiz career ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring humahataw ang acting career ng beteranang aktres kaya naman abot-langit ang kanyang pasasalamat sa lahat ng TV network at movie producer na nagtitiwala sa kanya.

Sa loob ng 60 years ay hindi pa rin nagpapahinga si Nova Villa sa pag-arte at wala raw siyang balak mag-retire anytime soon dahil enjoy na enjoy pa rin siya sa kanyang ginagawa.

Nagbalik-tanaw ang beteranang aktres sa pagsisimula ng kanyang career sa ABS-CBN nang maging guest siya sa morning talkshow na “Magandang Buhay.”

“Kaibigan ko si Nida Blanca, best friend ko siya. Nagkikita kami, pinupuntahan ko siya sa ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Nova Villa ibinandera ang sikreto kung bakit sa edad na 76 ay malakas at mukhang bata pa rin

“Hanggang sa nagulat na lang ako na may tumawag sa akin para maging regular talent sa ‘Mahiwagang Daigdig ni Doray.’ Doray si Nida, kapatid ko siya roon, doon na nag-start,” simulang pagbabahagi ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo Shots (@sarahgeronimoshots)


“Since I’m inside ABS-CBN, maraming shows, ‘Oras ng Ligaya,’ ‘Dolphy and Panchito,’ so tuloy lang ang taping, hanggang kinukuha na ako na mag-guest sa lahat ng shows nila hanggang sa mayroon ka ng regular shows,” dagdag pa ng 77-anyos na aktres.

Nabanggit din ni Nova ang mga naging experience niya bilang leading lady ng yumaong Comedy King na si Dolphy, lalo na sa mga sitcom ng Kapamilya Network.

Isa sa mga pinagsamahan nilang TV show ay ang classic na “Home Along Da Riles” na ilang taong namayagpag sa ABS-CBN.

“Ang talagang ipagpapasalamat ko kay Tito Dolphy, ‘yung tinanggap niya ako. You know he’s a superstar at ang mga nagdaan sa kanyang leading ladies are also superstars.

“Pero winelkam niya ako, tinanggap niya ako, wala akong narinig na against sa acting ko.

“Kung minsan nagtatantiya rin ako. But you see, it’s a natural talent for me kasi galawgawa ako in comedy but I know my limit.

Baka Bet Mo: Paggaling ni Nova Villa sa COVID-19 isang himala, tuloy ang pagtatrabaho: Talagang Siya lang ang nagbibigay ng lahat ng ito…

“One thing with Tito Dolphs talaga ay he enjoyed also my company. Praise the Lord, kung hindi gusto ni Lord ay hindi mangyayari,” pag-alala pa ni Nova na may isang anak at apat na apo na naka-base sa Amerika.

Pagpapatuloy pa ng showbiz icon, “Kaya ako ganito na up to now nandoon, ‘yung humor. Ang taas ng humor ko pero mayroon akong sariling control.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Van Soyosa 🪬 (@msvansoyosa)


“Kasi sometimes ang humor, pati bastos, and I want to make people happy. I love people. I love you everybody,” aniya pa.

Samantala, puring-puri naman ni Nova Villa ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano sa seryeng “Can’t Buy Me Love” kung saan gumaganap siyang lola ng mga karakter ng DonBelle.

“Napakabait na bata. You know ang lola niya (ni Donny) si Imelda Ilanan is my best friend. When I started, she also started in showbiz. And si Donny malapit sa lola, kaya lagi siyang malapit sa akin.

“Si Belle mabait, si Ling. So ang nangyayari ang role ko na supposed to be mahal ko siya, inaalagaan ko siya, mahal ko siya mabait na bata doble pa ang ibinibigay ko sa totoong buhay.

“That’s why before kami mag-take 8 o’clock nandoon kami sa set with open arms ‘Lola’ because ipinadama ko na una ang pagmamahal sa kanilang lahat so that we will have a good relationship sa mga taping, sa mga gagawin namin, nagkakasundo tayo because mayroon ng love,” chika pa ng veteran actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Can’t Buy Me Love” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending