Donny Pangilinan pinuri sa pagtulong sa mga nasunugan
HINANGAAN ng talent manager na si Ogie Diaz ang ginawang pagtukong ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan sa mga nasunugan noong Linggo, April 20.
Sa latest episode ng “Showbiz Update” kung saan kasama niya sina Mama Loi at Ate Mrena ay ibinandera niya ang isang tweet ng netizen sa ginawang kabutihan ng binata.
“Big shoutout kay @donnypangilinan! grabe, our barangay is facing a really tough time ngayon dahil sa sunog, some families literally lost everything, as in naabo ang bahay. Pero Donny came through. Walang kaartehan, walang campaign. Just pure malasakit,” basa ni Ogie sa tweet ng netizen ng paghanga kay Donny.
Personal nga raw itong nagdala ng mga bagong mattress para may maayos na mahihigaan ang mga biktima ng sunog.
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan pak na pak kay Belle: Siya ang definition ng green flag!
View this post on Instagram
Bukod pa rito ay nagdala rin si Donny ng iba pang mga gamit para sa personal needs ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog.
“Sobrang genuine niya, and you can really feel na bukal sa puso yung tulong,” dagdag pa ng netizen.
Chika nga ni Ogie, talagang bukal sa puso ni Donny ang pagtulong dahil nagpunta ito sa lugar na simple lang ang suot at walang bahid ng pangangampanya.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng madlang pipol na tumatakbong muli bilang senador ang kanyang tiyuhin na si Atty. Kiko Pangilinan.
Kahit nga si Mama Loi ay hindi maipagkaila ang pagka-proud kay Donny sa ginawa nitong pagtulong sa mga nangangailangan.
“Nakaka-proud! Tayo ngang hindi niya kamag-anak, colleague lang sa industriya, nakaka-proud na e,” ani Mama Loi.
Sundot naman ni Ogie, “Kaya Donny, tuloy-tuloy mo lang ‘yan ha?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.