Eva Darren nakiusap: Huwag n'yo naman kaming kalimutan

Eva Darren nakiusap: Huwag n’yo naman kaming pabayaan at kalimutan

Ervin Santiago - July 09, 2024 - 07:35 AM

Eva Darren nakiusap: Huwag n'yo naman kaming pabayaan at kalimutan

Eva Darren, Nova Villa at iba pang EDDYS Icon awardees

ITINUTURING na belated birthday gift ng TV at movie na si Eva Darren ang natanggap na award mula sa 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Isa ang veteran actress sa mga ginawaran ng EDDYS Icon sa ginanap na awards night nitong nagdaang Linggo sa Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Ang apat pang pinagkalooban ng naturang parangal ay sina Gina Alajar, Leo Martinez, Nova Villa at Sen. Lito Lapid na hindi nakarating kaya ang kanyang pamangkin na si Atty. John DX Lapid ang tumanggap ng tropeo.

Baka Bet Mo: FAMAS boldyak din kay Rita: Inimbita ka, ikaw pa magbabayad ng meal mo?

In fairness, natagalan bago rumampa si Miss Eva sa red carpet ng 7th The EDDYS dahil bukod sa medyo mabagal na siyang lumakad (may dalang tungkod) ay marami rin ang nagpa-picture sa kanya.

Ayon sa beteranang aktres, feeling happy and grateful siya sa pagkilala sa kanya ng SPEEd bilang isa sa limang Icons ng 7th The EDDYS.

Si Congresswoman Lani Mercado ang nag-present sa limang Icons kasama ang mga SPEEd members na siyang  nag-abot ng trophies at umalalat sa mga awardees.

“Maraming, maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat, sa ating lahat. Talagang nakakakaba.

“Wala akong masasabi kundi magpasalamat sa mga bumubuo ng SPEEd, ng EDDYS.

“At ibinabahagi ko rin po sa lahat ng mga beteranong kagaya ko. Hindi sa giyera, ha?!

“Kundi sa teleserye, sa pelikula, ibinabahagi ko rin sa kanilang lahat ang napakagandang karangalang ito na ipinagkaloob po ninyo sa akin.

“Marami pong salamat. Pahabol din ito sa birthday ko dahil nag-birthday ako noong June 28,” ang bahagi ng speech ng veteran star.

Baka Bet Mo: Sino nga ba ang veteran actress at movie icon na si Eva Darren?

Nagpalakpakan ang audience, at saka nagpatuloy si Miss Eva, “Seventy-eight ako noong araw na iyon. At salamat sa mga kapwa ko beterano, noon at ngayon.


“Nabanggit ko ang noon at ngayon. Siyempre, wala yung ngayon kung wala yung noon, di ba?

“Para sa inyo na kapwa ko beterano, maraming-maraming salamat. At sa inyo po, sana, huwag niyo naman kaming pabayaan. Huwag niyo kaming kalimutan. Salamat po, at magandang gabi!” ang pahayag pa ni Miss Eva.

Mapapanood ang delayed telecast ng 7th The EDDYS sa July 14, Linggo, 10 p.m., sa ALLTV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending