Nova nag-cry sa DonBelle presscon: Pwede pala ako magdrama

Nova nag-cry sa DonBelle presscon, humugot: Pwede rin pala ako magdrama

Ervin Santiago |April 14,2024
facebook
share this

Nova nag-cry sa DonBelle presscon, humugot: Pwede rin pala ako magdrama

Ervin Santiago - April 14, 2024 - 09:15 AM

Nova nag-cry sa DonBelle presscon, humugot: Pwede rin pala ako magdrama

Donny Pangilinan at Nova Villa

HALOS lahat ng um-attend sa finale grand mediacon ng “Can’t Buy Me Love” ay napaiyak nang maging emosyonal ang veteran star na si Nova Villa.

Hindi napigilan ni Tita Nova ang mapaluha nang magkuwento sa naging karanasan niya habang ginagawa ang hit Kapamilya series na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Ayon sa beteranang aktres, sa kabuuan ng serye, may isang bagay daw siyang na-discover sa kanyang sarili na ngayon lang niya nalaman sa ilang dekada niya sa industriya.

Sa “Can’t Buy Me Love” gumaganap si Tita Nova bilang adoptive grandmother ni Donny na gumaganap namang Bingo. Siya na ang nagpalaki sa binata mula nang mawala sa eksena ang ina nito played by Ina Raymundo.

Baka Bet Mo: Nova Villa sinagot ang tanong kung nagkaroon nga ba sila ng anak ni FPJ

“Sa tagal ko sa industriya, alam niyo forte ko comedy, pero ako mismo na-discover ko ang sarili ko. Pwede pala. Pwede pala ako magdrama,” sabi ni Tita Nova.

Nagmarka ang movie at TV icon bilang magaling na komedyana sa 1990s sitcom na “Home Alone Da Riles” (1992 to 2003) kasama ang Comedy King na si Mang Dolphy at patuloy na umaariba as a comedienne sa GMA comedy show na “Pepito Manaloto” na nagsimula pa noong 2012.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nga nito ay naging emotional na si Tita Nova sa finale presscon ng “Can’t Buy Me Love” nang alalahanin niya ang naging karanasan sa taping ng serye for almost eight months.

Baka Bet Mo: Nova Villa niligawan nga ba ni Fernando Poe Jr. noon?

Ayon sa veteran star, nakatagpo siya ng panibagong pamilya sa naturang serye at nararamdaman niya ang pagmamahalan ng buong production at pati raw ang aktingan nila ay totoong-totoo.

“Pero hindi lang drama, kung hindi makatotohanan. Hindi po acting ito. Talagang nararamdaman namin.

“Everybody tells me, ‘Tita Nova, nakakaiyak, nakakaawa.’ Nata-touch ang mga viewers namin. Hindi na kami umaarte. Totoo na ‘yung lumalabas.

“Kahit sabihin mong telebisyon ‘yan, pero tumatagos. Tumatagos sa puso ng viewers natin,” ang lumuluhang pahayag ni Tita Nova.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na tutukan ang “Can’t Buy Me Love” ng ABS-CBN at Star Creatives na magtatapos na ngayong darating na May.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending