Donny tunay na lola ang turing kay Nova; wish mag-action

Donny tunay na lola ang turing kay Nova Villa; wish maging action star

Ervin Santiago - April 14, 2024 - 08:00 AM

Donny tunay na lola ang turing kay Nova Villa; wish maging action star

Belle Mariano, Nova Villa at Donny Pangilinan

MANGIYAK-NGIYAK ang Kapamilya actor-TV host na si Donny Pangilinan nang pasalamatan si Nova Villa sa finale mediacon ng “Can’t Buy Me Love.”

Pinuri ni Donny ang dedikasyon at pagiging professional ng veteran actress na gumaganap na Mamang niya sa hit teleserye nila ni Belle Mariano sa ABS-CBN.

Hindi napigilan ng binata ang maiyak nang sagutin ang tanong kung ano ang mga natutunan niya sa pakikipagtrabaho kay Tita Nova at kung ano ang mami-miss niya rito.

Baka Bet Mo: Paggaling ni Nova Villa sa COVID-19 isang himala, tuloy ang pagtatrabaho: Talagang Siya lang ang nagbibigay ng lahat ng ito…

Ayon kay Donny, itinuring na talaga niyang parang tunay na lola ang beteranang aktres makalipas ang walong buwan nilang pagsasama sa “Can’t Buy Me Love.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I couldn’t imagine anyone perfect for the role thank Tita Nova. Kasi grabe po ‘yung binigay niya sa amin dito sa show,” simulang pagbabahagi ng anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Patuloy pa niya, “Never siyang nag-‘No.’ Kahit sobrang hirap ng eksena, kitang-kita na nahirapan na siya, game pa rin.

“Kahit overtime na, siya ang unang magsasabi ng, ‘game kahit anong pwede po nating gawin.’ Kaya Tita Nova, maraming salamat po.

“Never ko pong naranasan ‘to with anyone else kasi iba po ‘yung sobrang lapit ako sa lola, so maraming salamat,” ang pagbabahagi pa ni Donny.

Todo-pasalamat din sina Donny at Belle sa lahat ng mga nakasama nila sa “Can’t Buy Me Love” at sa mga manonood na tumututok sa kanila mula simula hanggang sa nalalapit nilang pagtatapos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey ni Belle, “The presscon earlier you could see how everyone loved their character so much and how much everyone loved the story. I’m also grateful to be part of this amazing journey.”

Sabi naman ni Donny patungkol sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang serye kung saan ilalantad na ang lahat ng sikreto ng bawat karakter, kahit daw ang kapatid niya ay abangers na sa mga plot twist sa ending.

Baka Bet Mo: Nova Villa sinagot ang tanong kung nagkaroon nga ba sila ng anak ni FPJ

Ani Donny, “Ako every day tinatanong ni Solana (sister niya) ano na mangyayari sino pumatay bakit ganyan so I think alot of people share the same sentiments even us im very excited to see how everything will unfold.”

Samantala, hindi pa man natatapos ang “Can’t Buy Me Love” ay naghahanda na ang DonBelle sa susunod nilang projects both as loveteam at bilang solo artist.

Chika ni Belle, “I also wanna do horror actually last time I was talking to direk (Mae Cruz-Alviar) about it, doing something very romcom the one like ‘Noting Hill’. It would be so nice to see something like that.”

Para naman kay Donny, gusto niyang subukan ang maaaksyong proyekto, “I wanna do like my own stunts tapos gusto ko mag training talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang cast members ng “Can’t Buy Me Love” na present sa naganap na finale presscon ay sina Rowell Santiago, Agot Isidro, Ina Raymundo, Ruffa Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, Albie Casiño, Darren Espanto, Alora Sasam, Ketchup Eusebio at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending