DonBelle trending sa TV Patrol; Can’t Buy Me Love marami pang pasabog
TUWANG-TUWA ang mga DonBelle fans all over the universe nang maging guest Star Patrollers sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa newscast ng ABS-CBN na “TV Patrol.”
Naging isa sa top trending topic sa social media ang Kapamilya phenomenal loveteam habang nagbabalita ng showbiz news sa “Star Patrol.”
Makasaysayan ang guesting ng DonBelle sa naturang news program dahil sila ang first Kapamilya loveteam na nag-anchor ng “Star Patrol.”
Aminado si Belle na talagang inatake siya ng matinding kaba nang sumalang siya sa naturang newscast pero super grateful siya na nabigyan ng chance na maging Star Patroller.
Baka Bet Mo: DonBelle nagpaiyak uli; ‘PTSD’ episode ng Can’t Buy Me Love viral
At in fairness naman, nabigyan ni Belle ng justice ang ibinigay na assignment sa kanya kaya nga ang request ng fans, sana’y maulit pa ito nang maraming beses.
Para naman kay Donny na naging MYX VJ din, “Sobrang grateful lang kami, sobrang blessed. These types of opportunities, we really dont take for granted.
“Some may say na guesting lang yan! Pag first time namin nagagawa yung isang bagay, nakaka-excite and it also adds to our experience,” sabi pa ni Donny sa isang interview.
View this post on Instagram
Samantala, ibinalita rin nina Donny at Belle na malapit na ring matapos ang kanilang hit TV series na “Can’t Buy Me Love” kaya naman nagkakaramdam na rim sila ng separation anxiety.
“Sepanx! Because just imagine it being your routine for 8 months, you know, waking up, seeing the same people every single day I’ll definitely miss them,” ang sabi ni Belle.
Pero promise ng dalawang Kapamilya stars, napakarami pang mangyayaring pasabog sa serye na ikagugulantang ng mga manonood.
Sa mga next episodes daw ay sandamakmak na twists and turns pa ang dapat abangan ng mga DonBelle fans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.