DonBelle nagpaiyak uli; ‘PTSD’ episode ng Can’t Buy Me Love viral
VIRAL at trending na naman ang Kapamilya phenomenal loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa social media.
Inabangan at tinutukan ng milyun-milyong manonood ang nakaraang episode ng ABS-CBN romcom series na “Can’t Buy Me Love” kung saan nagpakitang-gilas na naman ang DonBelle sa aktingan.
Maraming pumuri sa pag-iyak ni Belle bilang Ling sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love” habang kino-comfort ni Bingo na ginagampanan naman ni Donny.
In fairness, maraming nakiiyak na viewers sa madrama at punumpuno ng pusong eksena na yun ni Belle sa naturang serye kung saan feel na feel nila ang nae-experience ni Ling na post-traumatic stress disorder o PTSD.
Baka Bet Mo: Maxene puring-puri sina Belle at Donny: They are very authentic, walang kayabang-yabang
May mga nagsabi pa nga na nangangamoy best actress award daw si Belle para sa ipinakita niyang performance sa nasabing eksena.
View this post on Instagram
Super clap din ang mga DonBelle fans at iba pang adik na adik sa “Can’t Buy Me Love” dahil sa pag-tackle ng programa mental health issue na pinagdaraanan nga ng isa sa mga lead character.
Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa social media tungkol sa latest episode ng serye.
“Galeng! This is one show na talagang unpredictable. Grave ang twists and turns. Walang tapon na eksena. All the actors are superb.”
“You devoured this scene! Proudest of you, always!”
“Can’t stop crying. The BEST episode so far. Galing-galing n’yo DonBelle.”
“DonBelle is undeniably the best actors of their generation. Confirmed. Sila na ang kapalit sa iniwang trono ng kathniel sa ABS-CBN!”
“That’s Belle Mariano for you. Best actress of the new generation. She always delivers.”
“Coming from someone who suffers from mental health if you have someone who empathizes with you. Ling has Bingo, one person is enough. #DonBelle grabe kayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.