Belle Mariano aprub ang pagiging 'Darna' kay Iza Calzado: Alagaan mo ang bato! | Bandera

Belle Mariano aprub ang pagiging ‘Darna’ kay Iza Calzado: Alagaan mo ang bato!

Therese Arceo |November 02,2023
facebook
share this

Belle Mariano aprub ang pagiging ‘Darna’ kay Iza Calzado: Alagaan mo ang bato!

Therese Arceo - November 02, 2023 - 07:24 PM

Belle Mariano aprub ang pagiging 'Darna' kay Iza Calzado: Alagaan mo ang bato!
NAGPAHAYAG ng suporta ang aktres at first time momma na si Iza Calzado sa young star na si Belle Mariano.

Ito ay matapos mag-ala Darna ang dalaga nang dumalo ito “Shake, Rattle, and Ball” kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Donny Pangilinan na nagbihis naman bilang Captain Barbell.

Ibinahagi ni Belle ang mga larawan nila ni Donny sa Instagram na agad umani ng mga komento mula sa madlang pipol at kanilang mga tagasuporta.

Isa na nga sa mga nagkomento rito ay ang aktres na si Iza Calzado at isa rin sa mga gumanap bilang unang Darna sa Kapamilya 2022 TV fantasy series na “Mars Ravelo’s Darna”.

Sey ni Iza kay Belle, “I can see it!!! Alagaan mo ang bato!!”

Super happy naman ang mga supporters ng dalaga sa naging pahayag ni Iza.

Baka Bet Mo: Belle Mariano nabuking dahil sa lato lato, tinawag na ‘babe’ si Donny Pangilinan

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“@missizacalzado is she [Belle] the next darna? Hopefully [emojis],” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Woah [heart emoji] Coming from the Darna herself Thank you, Ms. Iza. Let’s do this @abscbn @dreamscapeph.”

Sey naman ng author ng series na pinagbidahan nina Belle at Donny noon na “He’s Into Her” na si Maxine Lat, “What if??? Tapos magkasama kayo ni CB.”

Kaya naman hindi na rin kataka-taka na maraming mga netizens ang nagpaparinig sa Kapamilya network na gumawa ng Gen Z version ng Darna at ang napupusuan naman nilang Valentina ay si Andrea Brillantes.

Sa ngayon ay abala sina Belle at Donny sa kanilang series na “Can’t Buy Me Love” directed by Mae Cruz-Alviar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending