Belle Mariano nabuking dahil sa lato lato, tinawag na 'babe' si Donny Pangilinan | Bandera

Belle Mariano nabuking dahil sa lato lato, tinawag na ‘babe’ si Donny Pangilinan

Therese Arceo |July 11,2023
facebook
share this

Belle Mariano nabuking dahil sa lato lato, tinawag na ‘babe’ si Donny Pangilinan

Therese Arceo - July 11, 2023 - 03:58 PM

Belle Mariano nabuking dahil sa lato lato, tinawag na 'babe' si Donny Pangilinan
TRENDING ngayon ang isa sa mga pinakasikat na love team ng bansa na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Ito ay matapos ang tila pagkakadulas ng aktres at na-reveal nang hindi sinasadya ang tunay nilang relasyon nang dahil sa lato lato.

Kamakailan ay na-bag raid si Belle ng Kapamilya writer na si Darla Sauler na mapapanood sa YouTube channel nang huli.

Sa umpisa ay makikitang pumasok si Donny sa loob ng dressing room ng aktres habang nagtsitsikahan ang dalawa hanggang sa maganap ang bag raid.

Habang nagba-bag raid ay may isang bagay mula sa bag ni Belle ang umagaw ng pansin ni Darla.

Ito ay ang gamit na gamit na panali ng buhok ng aktres na tila konting batak pa ay tuluyan nang masisira.

“Naka-Bottega [Veneta bag] ka tapos may panali ka[ng ganito]… Ngayon lang ako nakakita ng ganyang panali,” natatawang sabi ni Darla kay Belle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Valentine Rosales nag-sorry kay Belle Mariano: Ang mali ko is mag-compare

Dito ay inamin ng aktres na dalawa lagi ang panali niya sa kanyang bag at may isa siyang “lucky” panali na mas gamit na gamit rin niya ngunit ibinigay na niya ito kay Donny.

“Before pa ito, I have a lucky panali na I don’t usually throw away but I gave it to him na,” pagbabahagi ni Belle.

Singit ni Donny, hanggang ngayon raw nasa kanya ito at talagang iniingatan at tinatago niya.

Nang maka-move on na sila sa panali ng buhok ay pinag-usapan na nila ang mga upcoming ganaps ni Belle gaya ng mga ire-release nitong mga kanta at ang mga susunod pang mga proyektong pagsasamahan nila ni Donny.

May isa naman silang kasama sa dressing room na may hawak na lato lato.

“Babe, try mo ‘yung lato lato,” sey ni Belle kay Donny.

Sinubukan naman ito saglit ng aktres ngunit agad ring tumigil at ipinasubok sa iba.

Hindi naman nakatakas sa pandinig mg mga tagasuporta ng DonBelle ang diumano’y pagtawag ng “babe” ni Belle sa binata.

“BABE! Try mo yung lato lato!” OMYGOD CONFIRMED!!!! HAHAHSHAHHS FEEL KO NABIGLA DIN SI BELINDA 😩😩😩 HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHH walang babasag!!!!!! MY DONBELLE HEART HUHU,” saad ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “Hahaha ang tugon ng lahat: Thank you Ms. Darla sa bag raid kay belle at sa nato nato, este sa lato lato.”

“May naglato lato sa kapitbahay, di na ko naiinis ngayon haha,” hirit naman ng isa.

Sa ngayon ay wala pa rin namang pag-amin sina Belle at Donny ngunit tila sapat na sa mga fans ang ayuda mula sa vlog ni Darla bilang kumpirmasyon sa estado ng relasyon ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today!

Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending