DonBelle gustong ampunin ng mga senior citizen: Nakakakilig sila!

DonBelle gustung-gustong ampunin ng mga senior citizen: Nakakakilig sila!

Ervin Santiago |January 03,2024
facebook
share this

DonBelle gustung-gustong ampunin ng mga senior citizen: Nakakakilig sila!

Ervin Santiago - January 03, 2024 - 08:11 AM

DonBelle gustung-gustong ampunin ng mga senior citizen: Nakakakilig sila!

Donny Pangilinan at Belle Mariano

TULUY-TULOY pa rin ang pagpapakilig ng phenomenal loveteam ng ABS-CBN na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa “Can’t Buy Me Love.”

Talagang mas dumami pa ang mga adik na adik sa hit romcom series ng tambalang DonBelle base na rin sa nakukuha nitong rating at ranking sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya Network.

Nakakaloka nga, dahil pati ang mga kapitbahay namin at hook na hook sa kuwento ng “Can’t Buy Me Love”, lalo na ang mga lola na tuwang-tuwa at aliw na aliw kina Belle at Donny.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


Sabi nga ng isang senior citizen na nakausap namin, gusto na raw nilang ampunin ang DonBelle dahil love na love na raw nila ang mga ito.

Talaga raw nawawala ang inip at pagka-aburido nila sa buhay kapag may mga bagong episode na ang “Can’t Buy Me Love”. Feeling daw nila ay bumabata sila kapag nagpapakilig na ang DonBelle.

Samantala, bentang-benta rin ngayon ang isa sa kantang bahagi ng official soundtrack ng “Can’t Buy Me Love”, ang “Autumn” ng “Ben&Ben.”

Nagsama ang nine-piece Filipino band at ang tinaguriang new gen phenomenal actress na si Belle Mariano para sa duet version ng awiting “Autumn”.

Inilalarawan ng “Autumn” ang pagsubok na dala ng distansya na namamagitan sa dalawang taong puno ng pagmamahal. Isinulat ito nina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin ng Ben&Ben at iprinodyus nila ang song collaboration kasama sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Jean Paul Verona.

Unang inilabas ng banda ang orihinal na bersyon ng awitin noong November.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


Kamakailan ay inilunsad ni Belle ang album na “Somber” kasama ang original tracks na “Bugambilya” at “Somber and Solemn.”

Umarangkada ito agad sa unang pwesto ng iTunes Philippines albums chart habang ang anim na awitin nito ay nakapasok sa top 30 ng singles chart. Bukod sa musika, kilala rin si Belle bilang mahusay na aktres na bumida sa seryeng “He’s Into Her” at romcom films na “Love Is Color Blind” at “An Inconvenient Love.”

Ang Ben&Ben naman ay isang award-winning folk-pop band. Naantig nila ang damdamin ng kanilang mga makikinig sa pamamagitan ng kanilang letra, musika, at pagtatanghal sa entablado. Ang mensahe ng kanilang awitin ay tungkol sa pag-asa, pag-ibig, at positibong pananaw.

Kamakailan lang ay naabot ng Ben&Ben ang dalawang bilyong streams sa Spotify, at sila ang may hawak ng record ng pinakamaraming # 1 sa platform at most streamed OPM artist sa kasalukuyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Damhin ang mensahe ng awitin nina Ben&Ben at Belle na “Autumn” na napapakinggan na sa iba’t ibang streaming platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending