Donny sinorpresa ang DonBelle fans sa Sicogon Island

Donny sinorpresa ang DonBelle fans sa Sicogon Island, KC nag-react

Ervin Santiago |December 23,2023
facebook
share this

Donny sinorpresa ang DonBelle fans sa Sicogon Island, KC nag-react

Ervin Santiago - December 23, 2023 - 01:33 PM

Donny sinorpresa ang DonBelle fans sa Sicogon Island, KC nag-react

Donny Pangilinan at Belle Mariano

FEELING surprised and lucky ang mga fans ng phenomenal loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Sicogon Island sa Carles, Iloilo.

Nagtungo kasi sa Sicogon Island si Donny kasama ang kanyang pamilya kung saan nag-celebrate ng 30th wedding anniversary ang kanyang parents na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

At dahil napakaraming fans ng DonBelle sa nasabing probinsya, naisipan ni Donny na sorpresahin ang mga residente roon na palaging nanonood ng hit Kapamilya teleserye nila ni Belle na “Can’t Buy Me Love.”

Baka Bet Mo: DonBelle sumabak na sa look test, photo shoot para sa bago nilang serye na ‘Can’t Buy Me Love’: ‘We went through immersions na rin’

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng Kapamilya young actor at TV host ang isang video ng ginawa niyang pa-surprise sa mga tagasuporta nila ni Belle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


“Suuuper fun surprising some of the locals of Sicogon Island who were watching ‘Can’t Buy Me Love’” ang inilagay na caption ni Donny sa kanyang IG reel.

In fairness, napakasuwerte ng mga taong nakatira sa mga napiling bahay na binisita ni Donny dahil nagkaroon sila ng chance na makita up close and personal ang iniidolo nilang aktor.

Nabigyan din sila ng chance na makapagpa-picture at makipagchikahan ang young actor.

Baka Bet Mo: Belle proud partner ni Donny sa ‘Can’t Buy Me Love’: ‘Grabe, talagang mapapa-clap ka sa ibinigay niya, I’m so proud of him!’

Napa-sana all naman ang ibang DonBelle fans sa naging gesture ni Donny dahil nga pinatunayan lang ng binata kung paano niya mahalin at pahalagahan ang mga taong sumusuporta sa kanila ni Belle.

Pati nga ang ilang celebrities ay natuwa at na-touch sa ginawa ni Donny kabilang na ang aktres at negosyanteng si KC Concepcion na nag-comment ng, “Awww cute Dons.”

May mga nanghinayang naman dahil hindi nakasama ni Donny at ng kanyang pamilya sa Sicogon ang ka-loveteam niyang si Belle.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapakilig nina Donny at Belle sa mga adik na adil sa “Can’t Buy Me Love” lalo na ngayong mas pa-intense pa nang pa-intense ang bawat episode.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness uli, hindi pa rin maka-get over ang mga manonood sa nakakakilig na pag-good night ni Ling (Belle) kay Bingo (Donny) na abangers na sa mga susunod na eksena lalo na ngayong mas nagiging close na ang dalawang bidang character sa “Can’t Buy Me Love.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending