Maxene puring-puri sina Belle at Donny: They are very authentic, walang kayabang-yabang Bandera

Maxene puring-puri sina Belle at Donny: They are very authentic, walang kayabang-yabang

Reggee Bonoan |October 30,2022
share this

Maxene puring-puri sina Belle at Donny: They are very authentic, walang kayabang-yabang

Reggee Bonoan - October 30, 2022 - 05:04 PM
Maxene puring-puri sina Belle at Donny: They are very authentic, walang kayabang-yabang

Belle Mariano, Maxene Magalona at Donny Pangilinan

BAGO pa ang loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano kung tutuusin dahil last 2020 lang sila nagsimula sa pelikulang “James and Pat and Dave” na pinagbidahan nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Sinundan ito ng “He’s Into Her” noong Mayo 2021 at laking gulat ng lahat dahil naging hit ang iWantTFC series na ito at tumanggap ng kaliwa’t kanang awards. Kasunod na rin ang kaliwa’t kanang digital covers sa mga magazine.

At dahil na rin sa supporters ng DonBelle na humihiling ng part 2 ng “He’s Into Her” ay pinagbigyan naman sila ng ABS-CBN dahil Agosto 2021 ay ipinalabas na ang “He’s Into Her: The Benison Ball” na nag-hit pa rin.

Jampacked din ang concert nilang “He’s Into Her: The Journey” noong August, 2021 at ang first movie nilang “He’s Into Her The Movie Cut” noong Nobyembre, 2021 na sinundan pa ng “Love is Color Blind” pagsapit ng December, 2021 na another hit sa online.

Kung titingnan ang timeline ng DonBelle ay tila sila lang ang loveteam na halos buwan-buwan ay may bagong project na pawang mga hits.

First concert ni Belle nu’ng Enero 2022, ang “Daylight “kung saan mas lalo pa nilang pinakilig ang dumarami nilang supporters. Kasunod nito nagkaroon na nga ng “He’s Into Her” season 2 noong Mayo, 2022.

Sa nakaraang Star Magic tour nila last August ay isa sila sa sobrang tinilian ng mga kababayan natin sa ibang bansa na yung iba ay dumayo pa ng New York para mapanood sila.

Nitong Setyembre ay nahirang si Belle bilang unang Filipina actress na manalo ng Outstanding Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards para sa “He’s Into Her” series.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


Kaya namin ito naisulat ay dahil almost two years pa lang ang DonBelle loveteam ay ang dami na nilang achievements at awards and yet hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila sa lahat, mula sa supporters, sa mga taga-production kaya mahal na mahal silang ka-trabaho at higit sa lahat, sa co-actors nila.

Wala rin kaming narinig na nag-attitude ang DonBelle, siyempre makakarating din sa amin ang lahat lalo’t may mga tsika naman kaming taga-prod.

Ang isa sa co-actor ng DonBelle na si Maxene Magalona na kilalang very vocal sa mga ka-trabaho niya ay puring-puri niya ang dalawa dahil hindi niya nakitaan ng paglaki ng ulo.

Aniya, “Marami na rin nga akong naka-loveteam. Marami rin akong nakitang ibang loveteam around me but this one is really different.

“I finally got to work with them, they are very professional. They are very laid back and very authentic. Yun ang gusto ko sa kanila. Walang katiting ng yabang. And I love that.

“I am very glad that the Gen Zs are looking up to this particular love team. You chose a very good love team,” sabi ng aktres.

Maging ang direktor ng pelikula na si Petersen Vargas ay hanga rin sa dalawang artista niya.

“Inisip ko na lang na baka ganun talaga sila as actors na kahit wala na sa screen, wala na sa set, kinikilig pa rin kami. They’re very professional. Ramdam mo lang talaga all throughout the process na nandyan sila for each other,” kuwento ni direk Petersen.

Sa ginanap na face to face mediacon ng bagong pelikula nina Donny at Belle na “An Inconvenient Love” ay kabado ang dalawa lalo na ang direktor nilang si Petersen dahil ito ang pelikulang handog ng Star Cinema na muling mapapanood sa sinehan pagkatapos ng dalawang taon.

Kaya naman naluha si Belle nang ipapanood sa lahat ng present sa Dolphy Theater nitong Biyernes ang full trailer ng pelikula.

Ang bagong movie ng DonBelle ay sinulat nina Daisy Cayanan at Enrico C. Santos at mapapanood na sa mga sinehan sa Nobyembre 23.

DonBelle fans niregaluhan ng bonggang billboards sina Donny at Belle sa US, Korea at Switzerland

Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending